Ezr 6:14-15, Jn 2:19-21, Pahayag 21:22

Sa Lumang Tipan, nang ang mga tagapagtayo ng Israel na bumalik mula sa pagkabihag ay inilatag ang mga pundasyon ng templo, ang lahat ng mga tao ng Israel ay nagalak. ( Ezra 3:10-13 )

Ezra 3:10 Ang mga tagapagtayo ay inaglagay ang pundasyon para sa templo ni Yahweh. Binigyang daan nito ang mga paring nakatayo na suot ang kanilang mga kasuotan kasama ang mga trumpeta, at mga Levita, mga anak ni Asaf, upang papurihan si Yahweh sa pamamagitan ng pompyang, gaya ng iniutos ng mga kamay ni David, na hari ng Israel. 11 Umawit sila ng papuri at pasasalamat kay Yahweh, “Siya ay mabuti! ang kaniyang tipan ng katapatan sa Israel ay mananatili magpakailanman.” Ang lahat ng mamamayan ay humiyaw nang may kagalakan sa pagpupuri kay Yahweh dahil ang pundasyon ng templo ay nailagay na. 12 Ngunit marami sa mga pari, mga Levita, mga punong ama ng lipi, at matatandang mga taong nakakita sa unang tahanan ang tumangis ng malakas nang mailagay ang mga pundasyon ng tahanang ito sa harap ng kanilang mga mata. Ngunit marami ang sumisigaw sa tuwa na may galak at isang nasasabik na tunog. 13 Ang kinahinatnan, ang mamamayan ay hindi makilala ang ingay ng nagagalak at masaya sa ingay ng pagtangis ng mga tao, sapagkat ang mga tao ay umiiyak nang may malaking tuwa, at narinig ang ingay hanggang sa malayo.

Sa Lumang Tipan, natapos ng mga Israelita ang pagtatayo ng ttemplo siya ayon sa salita ng Diyos. ( Ezra 6:14-15 )

Ezra 6:14 Kaya ang mga nakatatandang Judio ay nagtayo sa paraang ipinagbilin nina Hagai at Zacarias sa pamamagitan ng pagpropesiya. Itinayo nila ito ayon sa utos ng Diyos ng Israel at ni Ciro, ni Dario, at ni Artaxerxes, mga hari ng Persia. 15 Ang tahanan ay natapos sa ikatlong araw ng buwan ng Adar, sa ikaanim na taon ng paghahari ni Haring Dario.

Si Jesus, ang Kristo, ang tunay na templo. (Juan 2:19-21, Pahayag 21:22)

Juan 2:19 Sumagot si Jesus, “Wasakin ang templong ito, at sa tatlong araw aking itatayo ito.” 20 At sinabi ng mga may katungkulang Judio, “Umabot nang apatnapu't anim na taon para magawa ang templong ito, at itatayo mo ito sa tatlong araw?” 21 Subalit, siya ay nagsasalita tungkol sa templo ng kaniyang katawan.

Pahayag 21:22 Wala akong nakitang templo sa lungsod, dahil ang Panginoong Diyos, na siyang namumuno sa lahat, at ang Kordero ang kanilang templo.