Job 2:4-7, 1 Sam 16:14, 1 Hari 22:23, 2 Sam 24:1, 1 Chr 21:1, 2 Cor 12:7

Sa Lumang Tipan, pinahintulutan ng Diyos si Satanas na hawakan ang mga ari-arian ni Job, ngunit hindi niya pinahintulutan itong hawakan ang buhay ni Job. ( Job 1:12, Job 2:4-7 )

Job 1:12 Sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Makinig ka, ang lahat ng kaniyang pag-aari ay hawakan mo, pero huwag mo siyang pagbubuhatan ng kamay.” Saka umalis si Satanas sa presensiya ni Yahweh.

Job 2:4 Sumagot si Satanas kay Yahweh at sinabing, “Balat sa balat naman; kayang ibigay ng tao ang lahat-lahat ng pag-aari niya para lamang siya mabuhay. 5 Pero subukan mong iunat ang iyong kamay at galawin ang kaniyang mga buto at katawan, tingnan mo kung hindi ka niya isumpa nang harapan.” 6 Sinabi ni Yahweh kay Satanas, “Sige, siya ay nasa iyong mga kamay, pero huwag mo lang siyang babawian ng buhay.” 7 Kaya umalis si Satanas sa presensiya ni Yahweh at nilagyan ng mga malubhang pigsa si Job mula sa kaniyang talampakan hanggang sa bumbunan.

Sa Lumang Tipan, ang masamang espiritu na bumabagabag kay Saul ay nasa ilalim din ng kontrol ng Diyos. ( 1 Samuel 16:14 )

1 Samuel 16:14 Ngayon ang Espiritu ni Yahweh ay umalis na kay Saul, at sa halip isang masamang espiritu na mula kay Yahweh ang bumagabag sa kanya.

Sa Lumang Tipan, inilagay ng Diyos ang mga huwad na espiritu sa bibig ng mga huwad na propeta. ( 1 Hari 22:23 )

1 Hari 22:23 Ngayon masdan mo, inilagay ni Yahweh ang mapanlinlang na espiritu sa lahat ng bibig nitong mga propeta mong ito, at si Yahweh ay naghanda ng pagkawasak para sa iyo.”

Sa Lumang Tipan, ginamit ng Diyos si Satanas upang pukawin si David. ( 2 Samuel 24:1, 1 Cronica 21:1 )

2 Samuel 24:1 Muling sumiklab ang galit ni Yahweh laban sa Israel at pinakilos niya si David laban sa kanila sa pagsasabi, “Bilangin ang Israel hanggang Juda”. Pagkatapos sinabi ni David “Sige, bilangin ang Israel at Juda.”

1 Cronica 21:1 Lumitaw ang isang kaaway laban sa Israel at inudyukan si David na bilangin ang mga tao sa Israel.

Hinahayaan din ng Diyos na salakayin tayo ni Satanas para gisingin tayo. ( 2 Corinto 12:7 )

2 Corinto 12:7 Pipigilan ko rin na magmayabang dahil sa hindi pangkaraniwang uri na mga pahayag na iyon. Kung kaya, upang ako ay hindi mapuno ng pagmamalaki, isang tinik sa laman ang ibinigay sa akin, isang mensahero mula kay Satanas upang ako ay guluhin at ng ako ay hindi labis na maging mapagmataas.