Job 2:2, Ezk 22:25, 1 Pt 5:8, Lk 22:31, 2 Cor 2:11, 2 Cor 4:4, Eph 4:27, Eph 6:11, Rev 12:9, Rev 20 :10
Si Satanas ay gumagala sa lupa upang lamunin ang mga kaluluwa ng mga tao. (Job 1:7, Job 2:2, Ezekiel 22:25)
Job 1:7 Ang tanong ni Yahweh kay Satanas, “Saan ka naman nanggaling?” Sumagot si Satanas kay Yahweh, “Galing ako sa isang paglalakad-lakad sa mundo, nagpabalik-balik ako rito.”
Job 2:2 Tinanong ni Yahweh si Satanas, “Saan ka naman nanggaling ngayon?” Sumagot si Satanas, “Galing ako sa paglalakad sa lupa nang pabalik-balik.”
Ezekiel 22:25 Mayroong sabwatan ang kaniyang mga propeta sa kaniyang kalagitnaan, tulad ng isang umaatungal na leon na nilalapa ang biktima; inuubos nila ang buhay at kinukuha ang mahahalagang yaman! Pinaparami nila ang mga balo sa kaniyang kalagitnaan!
Si Satanas ay umiikot pa rin upang linlangin ang mga mananampalataya. Kaya dapat tayong maging matino at mapagbantay. (1 Ped 5:8, Lucas 22:31, 2 Cor 2:11, 2 Cor 4:4, Efeso 4:27, Efeso 6:11)
1 Ped 5:8 Maging handa at mapagmatyag kayo. Ang inyong kaaway, ang diyablo, tulad ng isang umaatungal na leon, ay naglilibot at naghahanap ng kaniyang sasakmalin.
Lucas 22:31 Simon, Simon, mag-ingat kayo, sapagkat hinihingi kayo ni Satanas upang salain kayo tulad ng trigo.
2 Cor 2:11 Dahil hindi tayo mga mangmang sa kaniyang mga balak.
2 Cor 4:4 Sa kanilang kalagayan, ang kanilang mga isip na walang pananampalataya ay binulag ng diyos ng mundong ito. Bilang resulta nito, wala silang kakayanang makita ang liwanag ng kaluwalhatian ni Cristo, na kalarawan ng Diyos.
Efeso 4:27 Huwag mong bigyan ng pagkakataon ang diyablo.
Efeso 6:11 Isuot ninyo ang buong baluti ng Diyos, upang sa ganoon maaari ninyong malabanan ang mga mapanlinlang na mga balak ng diablo.
Sinira ni Kristo ang gawain ng diyablo. (1 Juan 3:8)
1 Juan 3:8 Siya na gumagawa nang kasalanan ay sa diablo, sapagkat ang diablo ay nagkasala na mula pa sa simula. Sa dahilang ito, ang Anak ng Diyos ay nahayag, upang kanyang mawasak ang mga gawa ng diablo.
Si Satanas ay pahihirapan sa impiyerno magpakailanman sa kanyang mga huling araw. (Pahayag 12:9, Pahayag 20:10)
Pahayag 12:9 Ang dakilang dragon — ang dating ahas na tinawag na demonyo o Satanas na nanlilinlang sa buong mundo— ay tinapon pababa sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay itinapon pababa kasama siya.
Pahayag 20:10 Ang demonyo, na siyang nanlinlang sa kanila, ay itinapon sa lawa ng nasusunog na asupre, kung saan ang halimaw at ang mga bulaang propeta ay itinapon. Sila ay pahihirapan umaga at gabi magpakailan pa man.