1 Tim 2:5, 1 Jn 2:1-2, Heb 8:6, Heb 9:15, Heb 12:24, Mt 21:9, Mc 11:9-10
Sa Lumang Tipan, nakita ni Job ang kanyang tala sa langit. ( Job 16:19 )
Job 16:19 Kahit ngayon, tingnan mo, ang aking saksi ay nasa langit; siyang mananagot sa akin ay nasa kaitaasan.
Si Hesus ay naging kabayaran para sa ating mga kasalanan at siya ay naging ating Tagapagtanggol sa harap ng Diyos. (1 Tim 2:5, 1 Juan 2:1-2, Heb 8:6, Heb 9:15, Heb 12:24)
1 Tim 2:5 Sapagkat may iisang Diyos at iisang tagapamagitan sa Diyos at sa tao, ang taong si Cristo Jesus.
1 Juan 2:1 Mga minamahal kong anak, isinusulat ko ang mga bagay na ito sa inyo upang hindi kayo magkasala. Pero kung sino man ang magkasala, mayroon tayong tagapagtanggol sa Ama, Si Jesu-Cristo ang nag-iisang makatuwiran. 2 Siya ang taga-pamayapa para sa ating mga kasalanan, at hindi lang para sa atin, kundi para din sa buong mundo.
Heb 8:6 Ngunit ngayon tinanggap ni Cristo ang isang mas mataaas na paglilingkod dahil siya din ang tagapamagitan ng mas mainam na tipan, na itinatag sa mas mainam na mga pangako.
Heb 9:15 Sa kadahilanang ito, si Cristo ang tagapamagitan ng bagong tipan. Ito ay dahil may isang kamatayan na nangyari upang palayain ang mga napapasailalim sa lumang tipan mula sa kabayaran ng kanilang mga kasalanan, sa gayon ang lahat ng mga tinawag ng Diyos ay tatanggap ng walang hanggang pamana na kaniyang ipinangako.
Heb 12:24 Kayo ay lumapit kay Jesus na tagapamagitan ng isang bagong tipan, at sa dugong naikalat na higit na nagsasalita ng mabuti kaysa sa dugo ni Abel.