1 Cor 1:30, 1 Cor 1:23-24, Col 2:2-3

Sa Lumang Tipan, ipinagtapat ni Job na ang karunungan ay hindi matatagpuan sa mundong ito. ( Job 28:12-13 )

Job 28:12 Saan kaya matatagpuan ang karunungan? Saan kaya ang lugar ng pang-unawa? 13 Hindi alam ng tao ang halaga nito; ni hindi ito natatagpuan sa lupain ng mga buhay.

Si Hesus ang karunungan ng Diyos na naparito sa lupa. (1 Cor 1:23, 1 Cor 1:30, Colosas 2:2-3)

1 Cor 1:23 Ngunit ipinapangaral namin si Cristo na napako, isang ikinatitisod ng mga Judio at kamangmangan sa mga Griyego.

1 Cor 1:30 Dahil sa ginawa ng Diyos, kayo ngayon ay na kay Cristo Jesus na naging karunungan natin na mula sa Diyos. Siya ang ating naging katuwiran, kabanalan, at katubusan.

Colosas 2:2 Gumagawa ako upang mapalakas ko ang kanilang kalooban sa pamamagitan ng pagsasama-sama sa pagmamahal at sa lahat ng kayamanan ng buong katiyakan ng pang-unawa, sa kaalaman tungkol sa lihim na katotohanan ng Diyos, na si Cristo. 3 Sa kaniya ay nakatago ang lahat ng kayamanan ng karunungan at kaalaman.