Rom 11:32-36, 1 Cor 10:26, Col 1:15-16, Rev 17:14, Rev 19:16, Phil 2:11
Ang buong mundo ay pag-aari ng Diyos. ( Job 41:11, Roma 11:32-36 )
Job 41:11 Sino ang unang nagbigay sa akin ng anumang bagay na dapat ko siyang bayaran pabalik? Anuman ang nasa ilalim ng buong kalangitan ay sa akin.
Roma 11:32 Sapagkat kinulong ng Diyos ang lahat sa kasuwayan, nang sa gayon maipakita niya ang awa sa lahat. 33 O, napakayaman ng Diyos sa karunungan at kaalaman! Hindi masuri ang kaniyang mga hatol, at ang kaniyang mga kaparaanan ay hindi kayang matuklasan! 34 “Sapagkat sino ang nakakaalam ng isipan ng Panginoon? O sino ang naging tagapayo niya? 35 O sino ang nagbigay ng una sa Diyos, upang ito ay bayaran sa kaniya?” 36 Sapagkat mula sa kaniya, at sa pamamagitan niya, at sa kaniya, ang lahat ng mga bagay. Sa kaniya ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen.
Ipinagtapat ni Pablo na ang lahat ng bagay sa mundong ito ay kay Hesus na Kristo. ( 1 Corinto 10:26 )
1 Corinto 10:26 Sapagkat “Ang mundo ay sa Diyos at ang kabuuan nito.”
Nilikha ni Hesus ang lahat ng bagay. ( Col 1:15-16 )
Col 1:15 Ang anak ay ang larawan ng hindi nakikitang Diyos. Siya ang unang anak sa lahat ng mga nilikha. 16 Sapagkat sa pamamagitan niya nilikha ang lahat ng bagay, ang mga nasa langit at ang mga nasa lupa, ang mga nakikita at ang mga hindi nakikita. Maging mga trono o pamahalaan o pamunuan o kapangyarihan, ang lahat ng bagay ay nilikha sa pamamagitan niya at para sa kaniya.
Si Hesus ay Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari. ( Pahayag 17:14, Pahayag 19:16 )
Pahayag 17:14 Makikipag-digma sila laban sa Kordero. Pero lulupigin sila ng Kordero dahil siya ay Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari — at kasama niya ang mga tinawag, ang mga pinili, ang mga matapat.”
Pahayag 19:16 Sinulatan niya ang kaniyang balabal at sa kaniyang hita ng pangalang: HARI NG MGA HARI AT PANGINOON NG MGA PANGINOON.
Ginawa tayo ng Diyos na luwalhatiin ang Diyos sa pamamagitan ng pagkilala kay Jesu-Cristo bilang Panginoon. (Fil 2:11)
Fil 2:11 Ginawa niya ito upang ang lahat ng labi ay magsasabing si Jesu-Cristo ay Panginoon, sa kaluwalhatian ng Diyos Ama.