Mt 21:9, Mc 11:9-10, Lc 19:38, Jn 12:3, Aw 8:2, Rev 19:16
Sa Lumang Tipan, inihula na ang Diyos, ang Hari ng kaluwalhatian, ay papasok. ( Awit 24:7-10 )
Awit 24:7 Bumukas kayo, kayong mga tarangkahan, bumukas kayo, kayong walang-hanggang mga pintuan, para ang Hari ng kaluwalhatian ay makapasok! 8 Sino ang Hari ng kaluwalhatian? Si Yahweh, ang malakas at makapangyarihan; si Yahweh, ang makapangyarihan sa digmaan. 9 Bumukas kayo, kayong mga tarangkahan, bumukas kayo, kayong walang-hanggang mga pintuan, para ang Hari ng kaluwalhatian ay makapasok! 10 Sino ang Hari ng kaluwalhatian? Si Yahweh ng mga hukbo, siya ang Hari ng kaluwalhatian. Selah
Nang pumasok si Jesus sa Jerusalem, tinanggap ng mga Israelita si Jesus bilang ang Kristo na dumating sa pangalan ng Diyos. (Mateo 21:9, Marcos 11:9-10, Lucas 19:38)
Mateo 21:9 Ang mga taong nauna kay Jesus at ang mga sumunod sa kaniya ay sumisigaw na nagsasabi, “Hosana sa anak ni David! Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon. Hosana sa kataas-taasan!”
Marcos 11:9 Ang mga nauuna at sumusunod sa kaniya ay sumisigaw ng, “Hosanna! Pinagpala ang sinumang pumaparito sa pangalan ng Panginoon. 10 Pagpalain ang pagdating ng kaharian ng ating amang si David! Hosanna sa kataas-taasan!”
Lucas 19:38 na sinasabi, “Pinagpala ang hari na naparito sa pangalan ng Panginoon! Kapayapaan sa langit at kaluwalhatian sa kataastaasan!”