Jn 1:1-3,9-10, Col 1:15-16, Heb 1:2, 1 Cor 8:6

Sa Lumang Tipan, ipinagtapat ng salmista na nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa sa pamamagitan ng Kanyang Salita. ( Awit 33:6 )

Awit 33:6 Sa pamamagitan ng salita ni Yahweh ang mga langit ay nalikha, at ang lahat ng mga bituin ay nagawa sa pamamagitan ng hininga ng kaniyang bibig.

Ang Salita ng Diyos ay kasama ng Diyos, at ginawa ng Salita ang langit at ang lupa. Ang Salita ay dumating sa mundo, at ang Salitang iyon ay ang Kristo, si Jesus. (Juan 1:1-3,9-10)

Juan 1:1 Sa simula pa lamang ay ang Salita, at ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. 2 Itong Salitang ito ay nasa simula pa kasama ng Diyos. 3 Ang lahat nang mga bagay ay nalikha sa pamamagitan niya, at kung wala siya, ay wala kahit isang bagay ang nilikha na nalikha.
9 Iyon ang tunay na liwanag na dumarating sa mundo at iyon ang nagpapaliwanang sa lahat. 10 Siya ay nasa mundo, at ang mundo ay nalikha sa pamamagitan niya, at ang mundo ay hindi nakakakilala sa kaniya.

Nilikha ni Jesus, ang Kristo, ang lahat ng bagay. ( Col 1:15-16 , Hebreo 1:2 )

Col 1:15 Ang anak ay ang larawan ng hindi nakikitang Diyos. Siya ang unang anak sa lahat ng mga nilikha. 16 Sapagkat sa pamamagitan niya nilikha ang lahat ng bagay, ang mga nasa langit at ang mga nasa lupa, ang mga nakikita at ang mga hindi nakikita. Maging mga trono o pamahalaan o pamunuan o kapangyarihan, ang lahat ng bagay ay nilikha sa pamamagitan niya at para sa kaniya.

Hebreo 1:2 Ngunit sa mga araw na ito, nakikipag-usap ang Diyos sa atin sa pamamagitan ng Anak na siyang hinirang na tagapagmana ng lahat ng bagay, at sa pamamagitan niya ginawa ang mundo.

Ginawa ng Diyos at ni Kristo Hesus ang lahat ng bagay. (1 Corinto 8:6)

1 Corinto 8:6 “Ngunit sa atin ay may iisang Diyos Ama, na mula sa kaniya ang lahat ng mga bagay at siyang dahilan kaya tayo ay nabubuhay, at may isang Panginoong Jesu-Cristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng bagay ay umiiral at na sa pamamagitan niya tayo ay umiiral.”