Ex 12:46, Num 9:12, Jn 19:36
Sa Lumang Tipan, ipinropesiya ni David na poprotektahan ng Diyos ang mga buto ng matuwid, si Kristo. ( Awit 34:19-20 )
Awit 34:19 Maraming mga problema ang mga matutuwid, pero sa lahat ng iyon si Yahweh ang nagbibigay ng tagumpay. 20 Iniingatan niya ang lahat ng kaniyang mga buto; ni isa sa kanila ay walang masisira.
Sa Lumang Tipan, hindi binali ng mga Israelita ang mga buto ng kordero ng Paskuwa. ( Exo 12:46, Bil 9:12 )
Exo 12:46 Dapat kainin ang pagkain sa isang bahay. Huwag kayong magdadala ng anumang karne sa labas ng inyong bahay, at hindi ninyo dapat baliin ang kahit anumang buto nito.
Bil 9:12 Wala silang dapat ititira nito hanggang sa umaga, ni dapat nilang baliin ang isang buto ng mga hayop. Dapat nilang sundin ang lahat ng alituntunin para sa Paskua.
Gaya ng ipinropesiya sa Lumang Tipan, walang ni isang buto ni Jesus, ang Kristo, ang nabali. (Juan 19:36)
Juan 19:36 Ang mga bagay na ito ay nangyari upang ang kasulatan ay matupad, “Walang mababali ni isa sa kaniyang mga buto.”