Mt 26:21-24, Jn 13:18, Gawa 1:16
Sa Lumang Tipan, sinabi ni David na ang kanyang matalik na kaibigan ay nagtaksil sa kanya. Ito ay nagpapahiwatig na ang darating na Kristo ay ipagkakanulo ng kanyang kaibigan. ( Mga Awit 41:9 )
Mga Awit 41:9 Sa katunayan, kahit ang sarili kong malapit na kaibigan na aking pinagkakatiwalaan, ang siyang kumain ng aking tinapay, ay inangat ang sakong niya laban sa akin.
Gaya ng ipinropesiya sa Lumang Tipan, si Hesus ay ipinagkanulo ng kanyang disipulo. (Mateo 26:21-24, Juan 13:18, Gawa 1:16)
Mateo 26:21 Habang sila'y kumakain, sinabi niya, “Totoo itong sinasabi ko sa inyo na ako'y ipagkakanulo ng isa sa inyo.” 22 At sila'y lubhang nalungkot, at ang bawat isa ay nagsimulang nagsipagtanong sa kaniya, “Tiyak na hindi ako, Panginoon?” 23 Sumagot siya, “Ang sinumang kasabay kong sumawsaw ng kaniyang kamay ay siyang magkanulo sa akin. 24 Ang Anak ng Tao ay aalis, katulad ng naisulat patungkol sa kaniya. Ngunit aba sa lalaking iyon na magkanulo sa Anak ng Tao! Mas mabuti pa sa lalaking iyon na hindi na siya ipinanganak.”
Juan 13:18 Hindi ako nagsasalita tungkol sa inyong lahat, dahil alam ko ang aking mga pinili — ngunit sinasabi ko ito upang ang kasulatan ay maganap: 'Ang kumakain ng aking tinapay ay nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin.'
Gawa 1:16 “Mga kapatid, kinailangan na ang kasulatan ay matupad, na ang Banal na Espiritu ay magsalita sa pamamagitan ng bibig ni David tungkol kay Judas, na siyang gumabay sa mga dumakip kay Jesus.