Heb 1:6, 1 Pt 3:22, Pahayag 5:11-12
Sa Lumang Tipan sinabi ng salmista sa lahat ng mga diyos na sambahin ang Diyos. (Awit 97:7)
Awit 97:7 Ang lahat ng sumasamba sa mga inukit na bagay ay mapapahiya, ang mga nagyayabang sa mga walang katuturang mga diyos-diyosan— yumukod kayo sa kanya, kayong lahat na mga diyos!
Si Jesus, ang Kristo, ay umakyat sa langit at naupo sa kanan ng Diyos, at ang mga anghel ay nagpapasakop sa kanya. ( 1 Pedro 3:22 )
1 Pedro 3:22 Siya ay nasa kanang kamay ng Diyos. Nagpunta siya sa langit. Ang mga anghel, mga pamahalaanan, at ang mga kapangyarihan ay dapat magpasakop sa kaniya.
Bawat anghel sa mundo ay sasamba kay Hesus, ang Kristo. (Heb 1:6, Pahayag 5:11-12)
Heb 1:6 Muli, nang isinugo ng Diyos ang panganay sa mundo, sinasabi niya, “ Lahat ng anghel ng Diyos ay kinakailangang sumamba sa kaniya.”
Pahayag 5:11 Pagkatapos nakita ko at narinig ang tunog ng maraming mga anghel sa palibot ng trono, — ang kanilang bilang ay 200, 000, 000 — at ang mga buhay na nilalang at mga nakatatanda. 12 Kanilang sinabi sa malakas na tinig, “Karapat-dapat ang Kordero na pinatay na tumanggap ng kapangyarihan, kayamanan, karunungan, kalakasan, karangalan, kaluwalhatian at kapurihan.”