Col 1:27, 1 Tim 1:1, Rom 15:12, Tito 2:13, Rom 15:13, 1 Tim 4:10, 1 Tim 5:5, 1 Tim 6:17, 1 Pt 1:21

Sa Lumang Tipan, sinabi ng salmista na mapalad ang mga umaasa sa Diyos. ( Awit 146:5 )

Awit 146:5 Mapalad siya na may Diyos ni Jacob para tulungan siya, na ang pag-asa ay na kay Yahweh na kaniyang Diyos.

Si Kristo Hesus ang ating pag-asa. (Col 1:27, Tito 1:1, Tito 2:13)

Col 1:27 Ito ay para sa kanila na nais ng Diyos na makaalam kung ano ang mga kayamanan ng maluwalhating lihim na ito ng katotohanan sa mga Gentil. Ito ay si Cristo na nasa inyo, ang pagtitiwala ng kaluwalhatian sa hinaharap.

Tito 1:1 Pablo, isang lingkod ng Diyos at isang apostol ni Jesu- Cristo, para sa pananalig ng mga pinili ng Diyos at sa kaalaman ng katotohanang naaayon sa kabanalan.

Tito 2:13 habang tayo ay nag-aabang sa pagtanggap ng ating pinagpalang pag-asa, ang kahayagan ng kaluwalhatian ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.

Si Kristo Hesus ang pag-asa para sa lahat ng mga Hentil na ipinropesiya sa Lumang Tipan. (Roma 15:12)

Roma 15:12 Sinasabi rin ni Isaias, “Magkakaroon ng ugat mula kay Jesse, at siya ang lilitaw upang mamuno sa mga Gentil. Magtitiwala ang mga Gentil sa kaniya.”

Ang Diyos ang ating pag-asa. (Rom 15:13, 1 Tim 4:10, 1 Tim 5:5, 1 Tim 6:17, 1 Pet 1:21)

Rom 15:13 Ngayon nawa ang Diyos ng pagtitiwala ay punuin kayo ng buong kagalakan at kapayapaan sa inyong paniniwala, upang kayo ay managana sa pagtitiwala sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.

1 Tim 4:10 Sapagkat dahil dito tayo ay nagsusumikap at gumagawang mainam. Sapagkat may pagtitiwala tayo sa buhay na Diyos, na siyang Tagapagligtas ng lahat ng tao, lalo na sa mga mananampalataya.

1 Tim 5:5 Ngunit ang tunay na balo ay naiwang nag-iisa. Nagtitiwala siya sa Diyos. Lagi siyang nananatili na may mga kahilingan at mga panalangin araw at gabi.

1 Tim 6:17 Sabihin mo sa mayayaman sa mundong ito na huwag magmataas, at huwag umasa sa kayamanan, na walang katiyakan. Sa halip, dapat silang umasa sa Diyos. Na nagkakaloob sa atin ng tunay na kayamanan upang ikagalak.

1 Pedro 1:21 Naniniwala kayo sa Diyos sa pamamagitan niya, na binuhay ng Diyos mula sa mga patay at sa kaniya na binigyan ng kaluwalhatian upang ang inyong pananampalataya at pagtitiwala ay mailaan sa Diyos.