Isa 10:20-22, Isa 37:31-32, Zac 13:8-9, Rom 9:27-29

Sa Lumang Tipan, ipinropesiya ni Isaias na ang labi ng Israel ay magiging tuod at sisibol muli. ( Isa 6:11-13 )

Isa 6:11 Pagkatapos sinabi ko, “Panginoon, hanggang kailan?” Sumagot siya, “Hanggang sa mawasak ang mga lungsod at mawalan ng naninirahan dito, at mawalan ng tao ang mga bahay, at nakatiwangwang ang lupain, 12 at hanggang ipatapon ni Yahweh ang ang mga tao palayo, at tuluyang mawalan ng pakinabang ang lupain. 13 Manatili man ang ikasampung bahagi ng mga tao roon, muli itong wawasakin; gaya ng isang roble o owk na pinutol at naiwan ang katawan nito, ang banal na binhi naman ay nasa tuod na ito.”

Sa Lumang Tipan, ipinropesiya ni Isaias na sa araw na iyon ang nalabi sa Israel ay babalik sa Diyos. ( Isa 10:20-22 )

Isa 10:20 Sa araw na iyon, ang mga naiwan sa Israel, ang pamilya ni Jacob na nakatakas, ay hindi na patuloy aasa sa sumakop sa kanila, bagkus kay Yahweh na sila aasa, Ang Banal ng Israel. 21 May mga naiwan kay Jacob ang babalik kay Yahweh. 22 Kahit na ang iyong mamamayan, Israel, ay kasing dami ng mga buhangin sa dalampasigan, kakaunti lamang mula sa kanila ang babalik. Ang pagkawasak ay naitalaga na, ayon sa hinihingi ng nag-uumapaw na katuwiran.

Sa Lumang Tipan, sinabi ng Diyos sa nalabi ng Israel na Siya ay magbubunga ng bagong bunga. ( Isa 37:31-32, Zacarias 13:8-9 )

Isa 37:31 Ang nalalabing lahi ni Juda ay muling mag-uugat at mamumunga. 32 Kaya may nalalabi mula sa Jerusalem ang lalabas; may mga nakaligtas mula sa Bundok ng Sion ang darating.' Ang kasigasigan ni Yahweh ng mga hukbo ang gagawa nito.”

Zacarias 13:8 At mangyayari ito sa buong lupain”— ito ang pahayag ni Yahweh— “na ang dalawa sa tatlong bahagi nito ay mahihiwalay! Ang mga taong iyon ay mamatay; ang ikatlong bahagi lamang ang mananatli doon. 9 Dadalhin ko ang ikatlong bahaging iyon sa apoy at dadalisayin ang mga ito na gaya ng pagdalisay sa pilak; susubukin ko sila gaya ng pagsubok sa ginto. Tatawag sila sa aking pangalan, at sasagutin ko sila at sasabihin, 'Ito ay aking mga tao!' at sasabihin nila, 'Si Yahweh ay aming Diyos!”

Binanggit din ni Pablo ang Lumang Tipan at sinabi na isang labi lamang ng Israel ang maliligtas sa pamamagitan ng paniniwala kay Jesus bilang ang Kristo. ( Rom 9:27-29 )

Rom 9:27 Isinisigaw ni Isaias ang tungkol sa Israel, “Kung ang bilang ng mga anak ng Israel ay sindami ng buhangin sa dagat, mangyayari na ang nalalabi lamang ang maliligtas. 28 Sapagkat hindi magtatagal, lubusan ng tutuparin ng Panginoon ang kaniyang salita sa daigdig.” 29 At ito ay gaya ng sinabi ni Isaias noon, “Kung hindi nagtira ng mga lahi ang Panginoon ng mga hukbo para sa atin, tayo ay naging katulad sana ng Sodoma, at naging katulad ng Gomorra.