Mal 3:1, Jn 12:13-16, Efe 1:20-22, Fil 2:10-11
Sa Lumang Tipan, ipinropesiya ni Isaias na darating ang Diyos bilang isang makapangyarihang Diyos. ( Isa 40:10 )
Isa 40:10 Masdan niyo, ang Panginoon na si Yahweh ay dumadating bilang matagumpay na mandirigma, at ang kaniyang malakas na bisig ang namumuno para sa kaniya. Tingnan mo, ang kaniyang gantimpala ay nasa kaniya, at ang kaniyang gantimpala ay nauuna sa kaniya.
Ang aklat ng Lumang Tipan ng Malakias ay nagpropesiya na ang Diyos ay biglang darating sa templo. (Mal 3:1)
Mal 3:1 “Tingnan ninyo, malapit ko ng isugo ang aking mensahero at ihahanda niya ang daan sa harapan ko. At ang Panginoon na inyong hinahanap, ay biglang darating sa kaniyang templo; at ang mensahero ng tipan na iyong kinaluluguran, tingnan ninyo, dumarating siya,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo.
Tulad ng ipinropesiya ng Lumang Tipan, si Jesus ay dumating sa Jerusalem bilang ang Hari ng Israel. (Juan 12:13-16)
Juan 12:13 kumuha sila ng mga sanga sa mga puno ng palma, at lumabas upang salubungin siya at sumigaw: “Osana! Pinagpala siya na pumaparito sa pangalan ng Panginoon, ang Hari ng Israel!” 14 Nakita ni Jesus ang isang asno, at umupo siya rito, gaya ng nasusulat, 15 “Huwag kang matakot, mga anak na babae ng Sion, tingnan, ang inyong Hari ay dumarating, nakaupo sa isang batang asno.” 16 Hindi naunawaan ng kaniyang mga alagad ang mga ito sa simula, ngunit nang maluwalhati na si Jesus, naalala nila na ang mga bagay na ito ay nasulat patungkol sa kaniya at na ginawa nila sa kaniya ang mga bagay na ito ay.
Ipinagkaloob ng Diyos kay Kristo ang kapangyarihan ng Diyos upang ipasakop ang lahat ng bagay sa Kanya. ( Efeso 1:20-22, Fil 2:10-11 )
Efeso 1:20 Ito ang kapangyarihan na kumilos kay Cristo noong siya ay binuhay ng Diyos mula sa mga patay at pinaupo siya sa kaniyang kanang kamay sa kalangitan. 21 Pinaupo niya si Cristo na pinakamataas sa lahat ng kapamahalaan, kapangyarihan, pamunuan, at bawat pangalan na pinangalanan. Pinaupo niya si Cristo hindi lamang sa panahong ito, kundi maging sa panahong darating. 22 Pinailalim ng Dios ang lahat sa paanan ni Cristo. Ginawa niya siyang ulo sa lahat ng nasa iglesia.
Fil 2:10 Ginawa niya ito upang ang lahat ay luluhod sa pangalan ni Jesus, ang mga nasa langit at sa lupa, at ang mga nasa ilalim ng lupa. 11 Ginawa niya ito upang ang lahat ng labi ay magsasabing si Jesu-Cristo ay Panginoon, sa kaluwalhatian ng Diyos Ama.