Pahayag 1:4-5,17, Pahayag 2:8, Pahayag 22:12-13, Pahayag 1:8, Pahayag 21:5-6
Ang Diyos ang namamahala sa kasaysayan at siya ang simula at wakas. ( Isa 41:4 )
Isa 41:4 Sino ang nakagawa at nagtupad ng mga gawang ito? Sino ang nagpatawag ng mga henerasyon mula sa simula? Ako, si Yahweh, ang una, at kasama ang mga nahuli, ako ay siya.
Si Hesus ang una at ang huli. ( Pahayag 1:4-5, 8, 17, Pahayag 2:28, Pahayag 22:12-13 )
Pahayag 1:4 Si Juan, para sa pitong iglesia sa Asya: Sumainyo ang biyaya at kapayapaan mula sa kaniya na siya, at siyang noon, at siyang darating, at mula sa pitong espiritu na nasa harap ng kaniyang trono, 5 at mula kay Jesu-Cristo, siyang matapat na saksi, ang panganay sa mga patay, at ang tagapamahala ng mga hari sa mundo. Sa kaniya na umiibig sa atin, at nagpalaya sa atin mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo,
8 “Ako ang Alpa at ang Omega, sabi ng Panginoong Diyos, “ang isa na, at siyang noon, at siya na darating, ang Makapangyarihan.”
17 Nang makita ko siya, ako ay bumagsak sa kaniyang paanan tulad ng isang lalaking patay. Ipinatong niya ang kaniyang kamay sa akin at sinabi, “Huwag kang matakot. Ako ang Una at ang Huli,
Pahayag 2:28 Gaya ng aking tinanggap mula sa aking Ama, ibibigay ko rin sa kaniya ang bituin sa umaga.
Pahayag 22:12 Tingnan mo! Malapit na akong dumating. Ang aking gantimpala ay nasa akin, para gantihan ang bawat isa ayon sa anuman na kaniyang ginawa. 13 Ako ang Alpa at ang Omega, ang Una at ang Huli, ang Simula at ang Katapusan.