1 Pt 2:9, Heb 13:15, Efe 1:11-12

Ginawa tayo ng Diyos para purihin Siya. ( Isa 43:21 )

Isa 43:21 Ang bayang ito na aking hinubog para sa aking sarili, para isalaysay nila ang aking kapurihan.

Tayo ay naging bayan ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo. Pinili tayo ng Diyos upang purihin ang Diyos at ipahayag ang ginawa ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus. (1 Pedro 2:9, Hebreo 13:15, Efeso 1:11-12)

1 Pedro 2:9 Subalit kayo ay piniling lahi, isang grupo ng maharlikang mga pari, isang banal na bayan, mga taong pag-aari ng Diyos, upang maihayag ninyo ang mga kamangha-manghang ginawa ng tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kaniyang kamangha-manghang kaliwanagan.

Hebreo 13:15 Sa pamamagitan ni Jesus dapat patuloy tayong mag-alay ng handog na papuri sa Dios, papuri na bunga ng ating mga labi na kumikilala sa kaniyang pangalan.

Efeso 1:11 Pinili tayo kay Cristo at napagpasyahan noon pa man. Ito ay ayon sa kalooban ng gumawa ng lahat ng bagay sa pamamagitan ng layunin ng kaniyang kalooban. 12 Ginawa ito ng Diyos upang tayo ay mamuhay sa pagpuri ng kaniyang kaluwalhatian. Tayo ang nauna na nagkaroon ng tiwala kay Cristo.