Jn 4:14, Jn 7:37-39, Pahayag 7:16-17

Sa Lumang Tipan, ipinangako ng Diyos na aakayin tayo sa isang bukal ng tubig. ( Isa 49:9-10 )

Isa 49:9 Sasabihin mo sa mga bilanggo, 'Lumabas kayo;' sa mga nasa madidilim na kulungan, 'Ipakita ninyo ang inyong mga sarili.' Manginginain sila sa mga daanan, at magiging pastulan nila ang mga kalbong dalusdos. 10 Hindi sila magugutom o mauuhaw; maging ang init o ang araw ay hindi sila tatamaan, dahil siyang may awa sa kanila ay pangungunahan sila; gagabayan niya sila sa mga bukal ng tubig.

Gaya ng ipinropesiya sa Lumang Tipan, binigyan tayo ni Hesus ng walang hanggang tubig ng buhay, ang Espiritu Santo. (Juan 14:14, Juan 7:37-39)

Juan 14:14 Kung anuman ang inyong hingin sa aking pangalan, iyon ay gagawin ko.

Juan 7:37 Ngayon sa huling araw, ang dakilang araw ng kapistahan, tumayo si Jesus at sumigaw na nagsasabi, “Kung sinuman ang nauuhaw, hayaan siyang lumapit sa akin at uminom. 38 Kung sino ang sumampalataya sa akin, gaya ng sinabi ng kasulatan, mula sa kaniya dadaloy ang mga ilog ng tubig na buhay. 39 Ngunit sinabi niya ito tungkol sa Espiritu na tatanggapin ng mga mananampalataya sa kaniya; ang Espiritu ay hindi pa naibibigay dahil si Jesus ay hindi pa nalululwalhati.

Si Kristo Hesus, ang Kordero ng Diyos, ay umaakay sa atin sa bukal ng tubig ng buhay. ( Pahayag 7:16-17 )

Pahayag 7:16 Hindi na sila magugutom muli, ni sila ay mauuhaw muli. Hindi sila masasaktan sa araw ni anumang nasusunog na init. 17 Dahil ang Kordero na nasa gitna ng trono ay kanilang magiging pastol, at gagabayan niya sila patungo sa bukal na tubig ng buhay, papahirin ng Diyos ang bawat luha mula sa kanilang mga mata.”