2 Sam 7:12,16, 2 Sam 23:5, Gawa 2:29-32,36

Sa Lumang Tipan, ipinangako ng Diyos kay David na magpapadala Siya ng walang hanggang tipan, iyon ay, si Kristo na darating bilang inapo ni David. ( Isa 55:3, 2 Samuel 712,16, 2 Samuel 23:5 )

Isa 55:3 Ikiling ang inyong mga tainga at lumapit sa akin! Makinig, upang kayo ay mabuhay! Tiyak na gagawa ako ng walang hanggang tipan sa inyo, ang mga gawa ng katapatan sa tipan na ibinigay kay David.

2 Samuel 7:12 Kapag ang iyong mga araw ay natupad na at mamahinga kasama ng iyong mga ama, magtatatag ako ng isang kaapu-apuhan kasunod mo, isa na manggagaling sa iyong katawan, at itatatag ko ang kaniyang kaharian.
16 Pagtitibayin ang iyong tahanan at kaharian magpakailanman sa harapan mo. Itatatag ang iyong trono magpakailanman.”'

2 Samuel 23:5 Tunay nga, hindi ba gaya nito ang aking sambahayan sa harapan ng Diyos? Hindi ba gumawa siya ng tipan sa akin na walang hanggan, maayos at tiyak sa kahit na anong paraan? Hindi ba pinalago niya ang aking kaligtasan at tinupad ang aking bawat naisin?

Ipinadala ng Diyos si Kristo, ang walang hanggang pangako na ipinangako kay David sa Lumang Tipan. Ibinangon din ng Diyos si Kristo mula sa mga patay ayon sa tiyak na biyayang ipinagkaloob niya kay David. Na si Kristo ay si Hesus. ( Gawa 2:29-32, 36 )

Gawa 2:29 Mga kapatid, kaya kong magsalita sa inyo ng may katiyakan tungkol sa patriarkang si David: namatay siya at inilibing, at ang kaniyang libingan ay nasa atin hanggang sa ngayon. 30 Kaya naman, siya ay isang propeta at alam niya na may sinumpaang panata ang Diyos sa kaniya, na itinalaga niya sa kaniyang kaapu-apuhan ang maupo sa kaniyang trono. 31 Nahulaan niya na ito at nagsalita tungkol sa pagkabuhay ni Cristo, Na hindi siya pinabayaan doon sa hades, o ang kanyang laman ay makitang mabulok.' 32 Ang Jesus na ito ay binuhay ng Diyos kung saan saksi kaming lahat.
36 Kaya naman siguraduhing ipaalam sa lahat ng tahanan sa Israel na ginawa siya ng Diyos na parehong Panginoon at Cristo, ang Jesus na ito na ipinako ninyo sa krus.”