Jer 1:17-19, Gawa 18:9, Gawa 26:17-18
Sa Lumang Tipan, ang Diyos ay kasama ni Jeremias at ipinangaral kay Jeremias ang ebanghelyo ng kaligtasan. (Jeremias 1:7-8, Jer 1:17-19)
Jeremias 1:7 Ngunit sinabi sa akin ni Yahweh, “Huwag mong sabihin na, 'Napakabata ko pa.' Dapat kang pumunta saanman kita ipadala at dapat mong sabihin ang anumang iuutos ko sa iyo! 8 Huwag kang matakot sa kanila sapagkat sasamahan kita upang iligtas ka. Ito ang pahayag ni Yawheh.”
Jer 1:17 Ihanda mo ang iyong sarili! Tumayo ka at sabihin mo sa kanila ang lahat ng iniuutos ko sa iyo. Huwag kang manlupaypay sa kanila, baka panlupaypayin kita sa harapan nila! 18 Tingnan mo! Ngayong araw, ginawa kitang matatag na lungsod, isang haliging bakal at mga pader na tanso laban sa buong lupain, laban sa mga hari ng Juda at sa kanilang mga opisyal, sa mga pari at ng mga tao sa lupain. 19 Kakalabanin ka nila ngunit hindi ka nila matatalo sapagkat sasamahan kita upang iligtas ka. Ito ang pahayag ni Yahweh.”
Ipinadala ng Diyos si Pablo sa Israel at sa mga Hentil upang ipangaral ang ebanghelyo ng kaligtasan ng Diyos. ( Gawa 18:9, Gawa 26:17-18 )
Gawa 18:9 Isang gabi sinabi ng Panginoon kay Pablo sa isang pangitain, “Huwag kang matakot, kundi magsalita ka at huwag kang manahimik.
Gawa 26:17 at ililigtas kita mula sa mga tao at mula sa mga Gentil kung saan kita isusugo, 18 upang buksan ang kanilang mga mata at upang ibalik sila mula sa kadiliman patungo sa kaliwanagan at mula sa kapangyarihan ni Satanas patungo sa Diyos, upang tanggapin nila mula sa Diyos ang pagpapatawad ng mga kasalanan at ang pamana na ibibigay ko sa kanila na aking itinalaga para sa aking sarili sa pamamagitan ng pananampalataya nila sa akin.'