Jer 23:4, Ezk 34:23, Ezk 37:24, Jn 10:11,14-15, Heb 13:20,
1 Pedro 2:25, Pahayag 7:17
Sa Lumang Tipan, sinabi sa atin ng Diyos na magpapadala Siya sa atin ng isang tunay na pastol upang alagaan at protektahan tayo. (Jer 3:15, Jer 23:4, Eze 34:23, Eze 37:24)
Jer 3:15 Bibigyan ko kayo ng mga pastol na umiibig sa akin at pamumunuan nila kayo nang may katalinuhan at kaalaman.
Jer 23:4 Pagkatapos ay magbabangon ako ng mga pastol na magpapastol sa kanila upang hindi na sila matatakot o magugulo. Wala ng maliligaw sa kanila—Ito ang pahayag ni Yahweh.
Eze 34:23 Hihirang ako ng isang pastol sa kanila, at siya ang magpapastol sa kanila— ang aking lingkod na si David! Siya ang magpapastol sa kanila; siya ang magiging pastol sa kanila!
Eze 37:24 Si David na aking lingkod ang maghahari sa kanila. Kaya magkakaroon ng isang pastol sa kanilang lahat, at lalakad sila ayon sa aking mga utos at tutuparin nila ang aking mga panuntunan at susundin nila ang mga ito.
Si Hesus ang tunay na Pastol na nagbuwis ng kanyang buhay para iligtas tayo. (Juan 10:11,14-15, Hebreo 13:20, 1 Pedro 2:25)
Juan 10:11 Ako ang mabuting pastol. Inialay ng mabuting pastol ang kaniyang buhay para sa mga tupa.
14 Ako ang mabuting pastol, at kilala ko ang sa akin, at ang sa akin ay nakikilala ako. 15 Kilala ako ng Ama, at kilala ko ang Ama, at ibinigay ko ang aking buhay para sa mga tupa.
Hebreo 13:20 Ngayon nawa ang Diyos ng kapayapaan, na siyang nagbalik mula sa kamatayan ang dakilang Pastol ng mga tupa, Ang ating Panginoong Jesus, sa pamamagitan ng dugo ng walang hanggang tipan,
1 Pedro 2:25 Kayong lahat ay naglalakbay palayo tulad ng mga nawawalang tupa, ngunit ngayon, bumalik kayo sa pastol at tagapagbantay ng inyong mga kaluluwa.
Aakayin tayo ng ating Pastol, si Kristo Jesus, sa bukal ng tubig ng buhay, at papahirin ng Diyos ang lahat ng ating luha. (Pahayag 7:17)
Pahayag 7:17 Dahil ang Kordero na nasa gitna ng trono ay kanilang magiging pastol, at gagabayan niya sila patungo sa bukal na tubig ng buhay, papahirin ng Diyos ang bawat luha mula sa kanilang mga mata.”