Gal 6:14, Phil 3:3, 1 Jn 5:20, 1 Cor 1:31, 2 Cor 10:17
Sa Lumang Tipan, sinabi ng Diyos sa mga Israelita na huwag ipagmalaki ang kanilang sarili, kundi ipagmalaki ang pagkilala sa Diyos. (Jeremias 9:23-24)
Jeremias 9:23 Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Huwag ninyong hayaang magyabang ang mga matatalino sa kanilang karunungan o ang mandirigma sa kaniyang kalakasan. Huwag ninyong hayaang magyabang ang mayamang tao sa kaniyang kayamanan. 24 Sapagkat kung magyayabang ang isang tao sa anumang bagay, ito dapat ang mayroon sa kaniya, na mayroon siyang pang-unawa at pagkilala sa akin. Sapagkat ako si Yahweh, na gumagawa ng matapat na kasunduan, katarungan at katuwiran sa sanlibutan. Sapagkat ito ang mga bagay na aking kinagagalak. Ito ang pahayag ni Yahweh.”
Wala tayong dapat ipagmalaki maliban sa krus ng Panginoong Hesukristo. (Gal 6:14, Fil 3:3, 1 Cor 1:31, 2 Cor 10:17)
Gal 6:14 Hindi sana mangyari na ako ay magmalaki maliban lang sa krus ng ating Panginoong Jesu- Cristo. Sa pamamagitan niya ang sanlibutan ay napako sa krus sa akin at ako ay sa sanlibutan.
Fil 3:3 Sapagkat tayo ang pagtutuli. Tayo na sumasamba sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos. Tayo na ipinagmamalaki si Cristo Jesus at walang anumang pagtitiwala sa laman.
1 Cor 1:31 Kaya nga, gaya ng sinabi ng kasulatan, “Kung ang isa man ay magmamalaki, ipagmalaki niya ang Panginoon,”
2 Cor 10:17 “Ngunit hayaan ang nagmamalaki, na magmalaki sa Panginoon.” 18 Sapagkat hindi ang sinasang-ayunan ng kanyang sarili ang sasang-ayunan. Sa halip, siya na sinasang-ayunan ng Panginoon.
Ginawa tayo ni Kristo na makilala ang Diyos. Gayundin, si Kristo Jesus ang tunay na Diyos. ( 1 Juan 5:20 )
1 Juan 5:20 Pero alam natin na ang Anak ng Diyos ay dumating at binigyan tayo ng kaunawaan, na kilala natin siya na totoo, at tayo ay nasa kanya na siyang totoo- kahit na sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Siya ang totoong Diyos at buhay na walang hanggan.