Mt 1:21, Lc 1:32-33, 1 Cor 1:30

Sa Lumang Tipan, ipinangako ng Diyos na ipapadala ang Kanyang katuwiran, si Kristo, upang iligtas tayo. (Jeremias 23:5-6)

Jeremias 23:5 Tingnan ninyo, ang mga araw ay paparating—ito ang pahayag ni Yahweh—kapag magbabangon ako para kay David ng isang matuwid na sanga. Mamumuno siya bilang hari; magdadala siya ng kasaganaan at magpapatupad siya ng katarungan at katuwiran sa lupain. 6 Sa kaniyang mga kapanahunan, maliligtas ang Juda at mamumuhay ang Israel ng may katiwasayan. At ito ang pangalan na itatawag sa kaniya: Si Yahweh ang ating Katuwiran.

Si Hesus ang Kristo, ang katuwiran ng Diyos na magliligtas sa atin na ipinangako ng Diyos na ipapadala sa Lumang Tipan. ( Mateo 1:2, Lucas 1:32-33, 1 Corinto 1:30 )

Mateo 1:2 Si Abraham ang ama ni Isaac at si Isaac ang ama ni Jacob, at si Jacob ang ama ni Juda at ng mga kapatid niya.

Lucas 1:32 Siya ay magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ang Panginoong Diyos ang magbibigay sa kaniya ng trono ng kaniyang ninunong si David. 33 Siya ay maghahari sa mga angkan ni Jacob magpakailanman, at walang katapusan ang kaniyang kaharian.”

1 Corinto 1:30 Dahil sa ginawa ng Diyos, kayo ngayon ay na kay Cristo Jesus na naging karunungan natin na mula sa Diyos. Siya ang ating naging katuwiran, kabanalan, at katubusan.