Jer 7:25, Jer 25:4, Jer 29:19, Jer 35:15, Mt 5:12, Mt 23:37, Mt 21:35-36, Gawa 7:51-52, 1 Thess 2:15-16

Sa Lumang Tipan, nagpadala ang Diyos ng mga propeta sa mga Israelita upang sabihin sa kanila na huwag gumawa ng mga bagay na kinasusuklaman ng Diyos. Ngunit hindi nakinig ang mga Israelita sa mga propeta. (Jeremias 44:4-6, Jer 7:25, Jer 25:4, Jer 29:19, Jer 35:15)

Jeremias 44:4 Kaya paulit-ulit kong ipinadala sa kanila ang lahat ng mga lingkod kong propeta. Ipinadala ko sila upang sabihin, 'Itigil ang paggawa ng mga kasuklam-suklam na mga bagay na aking kinapopootan.' 5 Ngunit hindi sila nakinig. Tumanggi silang magbigay pansin o tumalikod sa kanilang kasamaan sa pagsunog ng insenso sa ibang mga diyos. 6 Kaya ibinuhos ko ang aking matinding galit at poot at nagpasiklab ng apoy sa mga lungsod ng Judah at sa mga lansangan ng Jerusalem. Kaya sila ay naging lugar ng pagkasira at pagkawasak, gaya ng sa kasalukuyan.”

Jer 7:25 Simula pa noong araw na lumabas sa lupain ng Egipto ang inyong mga ninuno hanggang sa araw na ito, ipinadala ko sa inyo ang lahat ng aking mga lingkod at mga propeta. Nagtiyaga akong ipadala sila.

Jer 25:4 Isinugo ni Yahweh ang lahat ng kaniyang mga lingkod na mga propeta sa inyo. Masigasig silang humayo, ngunit hindi kayo nakinig o nagbigay-pansin.

Jer 29:19 Ito ay dahil hindi sila nakinig sa aking mga salita na ipinadala ko sa kanila sa pamamagitan ng aking mga lingkod na propeta, ito ang pahayag ni Yahweh. Paulit-ulit ko silang isinugo, ngunit hindi kayo nakinig. Ito ang pahayag ni Yahweh.'

Jer 35:15 Ipinadala ko ang lahat ng aking mga lingkod, na mga propeta. Patuloy ko silang ipinapadala upang sabihin, 'Tumalikod ang bawat tao sa kaniyang masamang pamamaraan at gumawa ng mabubuting bagay, huwag nang sumunod ang sinuman sa ibang diyos at sambahin ang mga ito. Sa halip, bumalik kayo sa lupain na ibinigay ko sa inyo at sa inyong mga ninuno.' Ngunit hindi kayo makikinig sa akin o magbibigay pansin.

Ang mga Israelita ay hindi nakinig sa matuwid, si Kristo na ipinangako ng mga propeta sa Lumang Tipan na darating, bagkus ay pinatay Siya. (Mateo 5:12, Mateo 23:37, Mateo 21:35-36, Gawa 7:51-52, 1 Tesalonica 2:15-16)

Mateo 5:12 Magsaya kayo at labis na magalak sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Sapagkat sa ganitong paraan inusig ng mga tao ang mga propetang nabuhay noon bago pa kayo.

Mateo 23:37 Jerusalem, Jerusalem, kayo na pumatay sa mga propeta at bumato sa mga sinugo ko sa inyo! Madalas kong ninais na tipunin ang mga anak mo, gaya ng inahin na nililikom ang kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak, ngunit hindi kayo sumang-ayon!

Mateo 21:35 Subalit sinunggaban ng mga tagapag-alaga ng ubasan ang kaniyang mga utusan, pinalo ang isa, pinatay ang iba, at binato rin ang iba. 36 Minsan pa, ang may ari ay nagpadala ng iba pang mga utusan, mas marami pa sa nauna, subalit ganoon din ang ginawa sa kanila ng mga tagapag-alaga ng ubasan.

Gawa 7:51 Kayong mga tao, na mapagmatigas at hindi tuli sa puso at mga tainga, lagi ninyong nilalabanan ang banal na Espiritu; ginawa ninyo ang kagaya ng ginawa ng inyong mga ninuno. 52 Sino sa mga propeta ang hindi inusig ng inyong mga ninuno? Pinatay nila ang mga naunang propeta na nagpahayag sa pagdating ng Matuwid; at kayo rin ngayon ang mga nagkanulo at mga pumatay sa kaniya,

1 Tesalonica 2:15 Ang mga Judio rin ang pumatay sa ating Panginoong Jesu-Cristo at sa mga propeta. Ang mga Judio rin ang nagpalayas sa atin. Sila ay hindi naging kalugod-lugod sa Diyos. Sa halip, naging kaaway ng lahat ng tao. 16 Pinagbabawalan nila kaming makipag-usap sa mga Gentil upang sila ay maligtas. Ang naging resulta ay lagi nilang pinupunuan ang kanilang mga kasalanan. Ang poot ay darating sa kanila sa katapusan. 17 Kami, mga kapatid, ay nahiwalay sa inyo ng maikling panahon, sa presensya, hindi sa puso. Ginawa namin ang aming makakaya na may malaking pagnanais upang makita ang mukha ninyo.