Jn 14:26, Jn 15:26, Jn 16:13, Gawa 1:8
Ang pangunahing gawain ng Banal na Espiritu ay ang magpatotoo na si Jesus ang Kristo. Ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa mga banal upang sila ay makapagpatotoo na si Jesus ang Kristo. (Marcos 13:10-11)
Marcos 13:10 Ngunit ang ebanghelyo ay dapat munang maihayag sa lahat ng mga bansa. 11 Kapag hinuli nila kayo at ipasakamay sa iba, huwag kayong mag-alala kung ano ang inyong dapat sabihin. Dahil sa oras na iyon, ibibigay sa inyo kung ano ang dapat ninyong sabihin; hindi kayo ang magsasalita, kundi ang Banal na Espiritu.
Ang Banal na Espiritu ay nagpapaalala sa atin kung ano ang sinabi ni Hesus sa kanyang pampublikong buhay upang matanto natin na si Hesus ang Kristo. (Jn 14:26, Jn 15:26, Jn 16:13)
Jn 14:26 Subalit, ang Manga-aliw na ang Banal na Espiritu na ipapadala ng Ama sa aking pangalan ay magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay at magpapaalala ng lahat ng aking sinabi sa inyo.
Jn 15:26 Kapag darating na ang Manga-aliw na siyang aking isusugo sa inyo mula sa Ama, na ang Espiritu ng katotohanan, na nanggaling mula sa Ama, magpapatotoo siya tungkol sa akin.
Jn 16:13 Subalit, kapag siya na Espiritu ng Katotohanan ay dumating, gagabayan niya kayo sa lahat ng katotohanan: dahil hindi siya magsasalita mula sa kaniyang sarili, ngunit anumang mga bagay ang naririnig niya, sasabihin niya ang mga ito, at ihahayag niya sa inyo ang mga bagay na darating.
Kapag ang Banal na Espiritu ay dumating sa atin, ikakalat natin ang ebanghelyo na si Hesus ang Kristo sa buong mundo. (Gawa 1:8)
Gawa 1:8 Ngunit makakatanggap kayo ng kapangyarihan, kapag sumainyo ang Banal na Espiritu at kayo ay magiging saksi ko sa Jerusalem at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa mga dulo ng mundo.''