Rom 10:13-15, 1 Cor 9:16
Sa Lumang Tipan, hinirang ng Diyos si Ezekiel bilang isang bantay para sa mga tao ng Israel upang ipalaganap ang ebanghelyo. ( Ezekiel 3:17-21 )
Ezekiel 3:17 Anak ng tao, ginawa kitang tagapagbantay para sa sambahayan ng Israel, kaya makinig ka sa salita mula sa aking bibig, at ibigay sa kanila ang aking babala! 18 Kapag sinabi ko sa masama, 'Tiyak na mamamatay ka' at hindi mo siya binigyan ng babala o nagsabi ng isang babala sa masama tungkol sa kaniyang masamang mga gawa upang siya ay mabuhay—mamamatay ang masama sa kaniyang kasalanan, ngunit sisingilin ko mula sa iyong kamay ang kaniyang dugo. 19 Ngunit kung bibigyan mo ng babala ang masama, at hindi siya tumalikod mula sa kaniyang kasamaan o sa kaniyang masasamang gawain, mamamatay siya sa kaniyang kasalanan, ngunit maililigtas mo ang iyong sariling buhay. 20 At kung tatalikod ang isang matuwid na tao mula sa kaniyang pagiging matuwid at gumawa ng hindi makaturungan, maglalagay ako ng batong katitisuran sa kaniyang harapan, at mamamatay siya, dahil hindi mo siya binigyan ng babala. Mamamatay siya sa kaniyang kasalanan, at hindi ko aalalahanin ang kaniyang mabuting mga gawa na kaniyang ginawa, ngunit sisingilin ko mula sa iyong kamay ang kaniyang dugo. 21 Ngunit kung babalaan mo ang matuwid na tao na tumigil sa pagkakasala upang hindi na siya magkasala, tiyak na mabubuhay siya dahil nabigyan siya ng babala; at maililigtas mo ang iyong sariling buhay.”
Itinatag tayo ng Diyos bilang mga bantay na nangangaral ng ebanghelyo ng kaligtasan. Kung hindi natin ipangangaral ang ebanghelyo ng kaligtasan, hindi maririnig ng mga tao ang ebanghelyo ng kaligtasan. ( Roma 10:13-15 )
Roma 10:13 Sapagkat ang lahat na tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas. 14 Kung gayon, paano sila tatawag sa kaniya na hindi nila sinasampalatayanan? At paano sila sasampalataya sa kaniya na hindi pa nila naririnig? At paano sila makakarinig kung walang tagapangaral? 15 At paano sila mangangaral kung hindi sila isinugo? — Gaya ng nasusulat, “Kayganda ng mga paa ng mga nagpapahayag ng mga masasayang balita ng mga mabubuting bagay!”
Sa aba natin kung hindi natin ipangaral ang ebanghelyo. ( 1 Corinto 9:16 )
1 Corinto 9:16 Sapagkat kung ipinangangaral ko ang ebanghelyo, wala akong dahilan para magmayabang dahil dapat ko itong gawin. At kaawa-awa ako kung hindi ko ipangangaral ang ebanghelyo!