Heb 8:10-12, Gawa 5:31-32

Sa Lumang Tipan, binanggit ng Diyos ang pagbibigay ng Banal na Espiritu ng Diyos sa mga puso ng nalabi sa Israel upang gawin silang Kanyang bayan. ( Ezek 11:17-20 )

Ezek 11:17 Kaya sabihin mong, 'Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Titipunin ko kayo mula sa mga tao, at iipunin mula sa mga lupain kung saan kayo ikinalat, at ibibigay ko sa inyo ang lupain ng Israel!' 18 Pagkatapos, pupunta sila doon at tatanggalin ang bawat kamuhi-muhing bagay at pagkasuklam mula sa lugar na iyon. 19 At bibigyan ko sila ng isang puso, at lalagyan ng bagong espiritu kapag lumapit sila sa akin; tatanggalin ko ang pusong bato mula sa kanilang laman at bibigyan ko sila ng isang pusong laman, 20 upang lumakad sila sa aking mga kautusan, tutuparin nila ang aking utos at gawin ang mga ito. At magiging mga tao ko sila, at ako ang magiging Diyos nila.

Ang manunulat ng Hebreo ay sumipi mula sa Lumang Tipan at sinabi na inilagay ng Diyos ang salita ng Diyos sa puso ng mga tao ng Israel upang makilala nila ang Diyos. (Hebreo 8:10-12)

Hebreo 8:10 'Sapagkat ito ang tipan na aking gagawin sa sambahayan ng Israel pagkatapos ng mga araw na iyon,' sabi ng Panginoon. 'Ilalagay ko sa kanilang mga isipan ang aking mga tipan, at isusulat ko rin ang mga ito sa kanilang mga puso. Ako ang magiging Diyos nila, at sila ay aking magiging mga tao. 11 Hindi nila tuturuan ang bawat isa na kaniyang kapwa at ang bawat isa na kaniyang kapatid, na sabihing, “Kilalanin ninyo ang Diyos,” sapagkat ako ay makikilala ng lahat mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila sa kanila. 12 Sapagkat magpapakita ako ng habag sa kanilang mga gawaing hindi matuwid at hindi ko na aalalahanin pa ang kanilang mga kasalanan.'”

Gaya ng ipinangako sa Lumang Tipan, ibinuhos ng Diyos ang Banal na Espiritu sa mga naniniwala kay Jesus bilang ang Kristo. ( Gawa 5:31-32 )

Gawa 5:31 Tinaas siya ng Diyos sa kaniyang kanang kamay upang maging prinsipe at tagapagligtas, upang magbigay ng pagsisisi sa Israel at kapatawaran sa mga kasalanan. 32 Mga saksi kami ng mga bagay na ito, at gayundin ang Banal na Espiritu, na ibinigay ng Diyos sa mga susunod sa kaniya.”