Lc 1:31-33, Rom 1:3, Isa 53:2, Jn 1:47-51, Mt 13:31-32

Sa Lumang Tipan, sinabi ng Diyos na ang mga tao ng Israel ay magpapahinga sa tuktok ng puno ng sedro, ibig sabihin, sa pamamagitan ng paghirang ng isang tao mula sa pamilya ni David. ( Eze 17:22-23 )

Eze 17:22 Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh, 'Kaya ako mismo ang magtatanggal ng pinakamataas na bahagi ng puno ng sedar, at itatanim ko ito nang malayo ang mga malambot na sanga nito. Babaliin ko ito, at ako mismo ang magtatanim nito sa mataas na bundok! 23 Itatanim ko ito sa mga bundok ng Israel kaya ito ay lalago magkakaroon ng mga sanga at mamumunga, at magiging kahanga-hangang sedar kaya mamumuhay sa ilalim nito ang mga ibon. Sila ay mamumugad sa lilim ng mga sanga nito.

Si Jesus ang Kristo na nagmana ng paghahari ni David magpakailanman bilang isang inapo ni David. (Lucas 1:31-33, Roma 1:3)

Lucas 1:31 At makikita mo, ikaw ay magbubuntis sa iyong sinapupunan at magsisilang ng isang anak na lalaki. Tatawagin mo ang kaniyang pangalan na 'Jesus'. 32 Siya ay magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ang Panginoong Diyos ang magbibigay sa kaniya ng trono ng kaniyang ninunong si David. 33 Siya ay maghahari sa mga angkan ni Jacob magpakailanman, at walang katapusan ang kaniyang kaharian.”

Roma 1:3 Ito ay tungkol sa kaniyang Anak, na ipinanganak mula sa kaapu-apuhan ni David ayon sa laman.

Alam ni Jesus na iniisip ni Natanael ang pagdating ni Kristo sa ilalim ng puno ng igos. (Juan 1:47-51)

Juan 1:47 Nakita ni Jesus na palapit si Nataniel sa kaniya at sinabi ang tungkol sa kaniya, “Tingnan ninyo, isa ngang tunay na Israelita, na walang panlilinlang.” 48 Sinabi sa kaniya ni Nataniel, “Papaano mo ako nakikilala?” Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Bago ka tawagin ni Felipe, nang nasa ilalim ka ng puno ng igos, nakita na kita.” 49 Sumagot si Nathanael, “Rabi, ikaw ang Anak ng Diyos! Ikaw ang Hari ng Israel!” 50 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Dahil ba sa sinabi ko sa iyo, 'Nakita kita sa ilalim ng puno ng igos', naniniwala ka na? Makakakita ka ng mga bagay na mas higit pa kaysa dito.” 51 Sinabi ni Jesus, “Totoo, totoo itong sinasabi ko sa iyo, makikita mong magbukas ang mga kalangitan, at ang mga anghel ng Diyos ay umaakyat at bumababa sa kinaroroonan ng Anak ng Tao.”

Si Jesus ay tulad ng isang malambot na usbong at hindi magandang tingnan na gaya ng buto ng mustasa, ngunit siya ang Kristo na nagbibigay ng kapayapaan sa lahat. ( Isa 53:2 , Mat 13:31-32 )

Isa 53:2 Dahil lumaki siya sa harapan ni Yahweh gaya ng isang supling, at gaya ng isang usbong sa tigang na lupa; wala siyang taglay na kapansin-pansin na hitsura o kaningningan; noong makita namin siya, walang kagandahan para kami ay maakit.

Mat 13:31 Muling nagkuwento si Jesus ng talinghaga sa kanila. Kaniyang sinabi, “Ang kaharian ng langit ay tulad ng binhi ng mustasa na kinuha ng isang tao at inihasik sa kaniyang bukid. 32 Tunay ngang pinakamaliit ang binhing ito sa lahat ng ibang mga binhi. Ngunit nang ito ay lumaki, naging mas malaki ito kaysa sa mga halamang panghardin. Ito ay naging puno kaya ang mga ibon sa himpapawid ay pumunta at namugad sa mga sanga nito.”