Ezk 24:25-27, Joel 2:28, Gawa 2:1-18, Gawa 4:18-20
Sa Lumang Tipan, sinabi ng Diyos ang pagbangon kay Kristo mula sa mga inapo ni David sa araw na iyon, at sa pamamagitan Niya na darating, ang lahat ay makakatagpo ng Diyos. (Ezekiel 29:21, Ezekiel 24:25-27)
Ezekiel 29:21 Sa araw na iyon ay palilitawin ko ang isang sungay para sa sambahayan ni Israel, at pagsasalitain ko kayo sa gitna nila, upang malaman nila na ako si Yahweh!”'
Ezekiel 24:25 “Ngunit ikaw, anak ng tao, sa araw na mabibihag ko ang kanilang templo, na kanilang kagalakan, ang kanilang kapalaluan at kung ano ang kanilang nakikita at hinahangad—at kapag kinuha ko ang kanilang mga anak na lalaki at mga babae— 26 sa araw na iyon, isang nakatakas ang pupunta sa inyo upang ipaalam sa inyo ang balita! 27 Sa araw na iyon, bubuka ang iyong bibig sa nakatakas na iyon at ikaw ay magsasalita—hindi ka na mananahimik kailanman. Ikaw ay magiging tanda sa kanila upang malaman nila na ako si Yahweh!”
Sinabi ng Diyos na ibubuhos Niya ang Kanyang Espiritu sa mga naniniwala sa Kanya. ( Joel 2:28 )
Joel 2:28 At mangyayari pagkatapos, ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman, at maghahayag ng propesiya ang inyong mga anak na lalaki at babae. Mananaginip ng mga panaginip ang inyong mga matatandang lalaki, makakakita ng mga pangitain ang inyong mga kabataang lalaki.
Ibinuhos ng Diyos ang Banal na Espiritu sa lahat ng naniniwala kay Hesus bilang Kristo upang ibuka ang kanilang mga bibig upang ipangaral ang ebanghelyo. ( Gawa 2:1-18 )
Gawa 2:1 Nang sumapit ang araw ng Pentecostes, lahat sila ay sama-sama sa iisang lugar. 2 Bigla na lamang may tunog mula sa langit na tila humahagibis na hangin, at napuno nito ang buong bahay kung saan sila nakaupo. 3 Doon ay nagpakita sa kanila ang tulad ng dilang apoy na napamahagi at dumapo sa bawat isa sa kanila. 4 Napuspos silang lahat ng Banal na Espiritu at nagsimula silang magsalita sa iba't ibang wika ayon sa ipinagkaloob ng Espiritu sa kanila na sabihin. 5 Ngayon may mga Judiong naninirahan sa Jerusalem, mga maka-diyos na tao, galing sa bawat bansa sa ilalim ng langit. 6 Nang marinig ang tunog na ito, nagpuntahan ang maraming tao at nalito sapagkat narinig nang lahat na nagsasalita sila sa kanilang sariling wika. 7 Nagtaka sila at labis na namangha; sinabi nila, “Totoo ba, hindi ba at ang lahat ng mga nagsasalitang ito ay mga taga-Galilea? 8 Bakit kaya naririnig natin sila, bawat isa sa ating sariling wika na ating kinalakihan? 9 Mga taga- Partia, taga-Media at mga taga- Elam, at sa mga naninirahan sa Mesopotamia, sa Judea at Capadocia, sa Ponto at sa Asya, 10 sa Frigia at Panfilia, sa Egipto at sa bahagi ng Libya na malapit sa Cirene at mga panauhin mula sa Roma, 11 Mga Judio at mga taong nagbago ng paniniwala, at mga taga-Creta at mga taga- Arabia, naririnig namin sila na nagsasabi ayon sa ating mga wika tungkol sa mga kamangha- manghang gawa ng Diyos.” 12 Nagtaka silang lahat at naguluhan; at sinabi nila sa isa't- isa, “Ano ang ibig sabihin nito?” 13 Ngunit nangutya ang iba at sinabi, “Lasing na lasing sila ng bagong alak.” 14 Ngunit tumayo si Pedro kasama ang labing isa, tinaasan niya ang kaniyang boses, at sinabi sa kanila, “Mga tao ng Judea at kayong lahat na naninirahan sa Jerusalem, dapat ninyo itong malaman; pakinggan ninyong mabuti ang aking sasabihin. 15 Sapagkat ang mga taong ito ay hindi lasing gaya ng inyong inaakala, sapagkat pangatlong oras pa lamang nang araw. 16 Ngunit ito ang sinabi sa pamamamagitan ni propeta Joel: 17 'Mangyayari ito sa mga huling araw,' sinabi ng Diyos, 'Ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao. Magpapahayag ang inyong mga anak na lalaki at mga babae, makakakita ng mga pangitain ang inyong mga kabataang lalaki, at magkakaroon ng mga panaginip ang inyong mga matatandang lalaki. 18 Gayundin sa aking mga lingkod at sa aking mga lingkod na babae ibubuhos ko ang aking Espiritu sa araw na iyon, at sila ay magpapahayag.
Hindi natin masasabing si Jesus ang Kristo. ( Gawa 4:18-20 )
Gawa 4:18 Tinawag nila sina Pedro at Juan na pumasok at inutusan sila na huwag magsasalita o magtuturo kailan man sa pangalan ni Jesus. 19 Ngunit sumagot sina Pedro at Juan at sinabi sa kanila, “Kung tama sa paningin ng Diyos na sundin kayo sa halip na siya, kayo na ang humatol. 20 Dahil hindi namin kayang hindi magsalita tungkol sa mga bagay na aming nakita at narinig.”