Jn 4:9, 20-26, 40-42, Jn 17:21, Gawa 2:43-47, Eph 2:12-18

Sa Lumang Tipan, sinabi ng Diyos na ang mga Israelita mula sa hilaga at ang mga Hudyo mula sa timog, na nakakalat sa mga bansa, ay magsasama-sama at magiging isa sa ilalim ng isang hari, at silang lahat ay magiging bayan ng Diyos. ( Ezekiel 37:16-23 )

Ezekiel 37:16 “Ngayon, ikaw na anak ng tao, kumuha ka ng isang patpat at at sulatan ito, 'Para sa Juda at para sa mga Israelita na kasama niya.' At kumuha ka muli ng isa pang patpat at at sulatan ito, “Para kay Jose, ang sanga ng Efraim, at para sa lahat ng mga Israelita namga kasama nila.' 17 At pagsamahin mo ang dalawang ito upang maging isang patpat, upang maging iisa ang mga ito sa iyong kamay. 18 Kapag makipag-usap sa iyo ang iyong mga tao at sasabihin, 'Hindi mo ba sasabihin sa amin kung ano ang ibig sabihin ng mga bagay na ito?' 19 at sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: Pagmasdan ninyo! Kukunin ko ang sanga ni Jose na nasa kamay ng Efraim at sa mga tribo ng Israel na mga kasama niya at isasama ko ito sa sanga ng Juda, upang sila ay maging isang sanga, at magiging isa sila sa aking kamay!' 20 At hawakan mo sa iyong kamay ang mga sanga na sinulatan mo sa harapan ng kanilang mga mata. 21 At ipahayag mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Masdan! Kukunin ko ang Israelita mula sa mga bansa kung saan sila pumunta. Titipunin ko sila mula sa mga nakapalibot na mga lupain. Sapagkat dadalhin ko sila sa kanilang lupain. 22 Gagawin ko silang isang bansa sa lupain, sa mga bundok ng Israel; at magkakaroon ng isang hari na maghahari sa kanilang lahat, at hindi na sila kailanman magiging dalawang bansa; hindi na sila kailanman mahahati sa dalawang kaharian. 23 At hindi na nila kailanman dudungisan ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng kanilang mga diyus-diyosan, sa kanilang mga kasuklam-suklam na mga bagay o anuman sa iba pa nilang mga kasalanan. Sapagkat ililigtas ko sila mula sa lahat ng kanilang mga gawaing walang pananamplataya kung saan sila ay nagkasala, at lilinisin ko sila, upang sila ay maging aking mga tao at ako ang kanilang magiging Diyos.

Ang mga Israelita sa hilaga ay sumamba sa Diyos sa Samaria, at ang mga Hudyo sa timog ay sumasamba sa Diyos sa Jerusalem. Ngayon, ang mga Samaritano ng hilagang Israel at ang mga Hudyo sa timog ay maaaring sumamba sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus na Kristo. (Juan 4:9,20-26,40-42)

Juan 4:9 Pagkatapos ay sinabi ng Samaritana sa kaniya, “Paanong ikaw, na isang Judio, ay humihingi sa akin, na isang Samaritana, ng maiinom?” Dahil ang mga Judio ay hindi nakikitungo sa mga Samaritano.
20 Dito sa bundok na ito sumamba ang aming mga ninuno, ngunit iyong sinasabi na itong Jerusalem ay ang lugar kung saan ang mga tao ay dapat sumamba.” 21 Sumagot si Jesus sa kaniya, “Babae, maniwala ka sa akin, darating ang oras na sasambahin ninyo ang Ama ni sa bundok na ito o sa Jerusalem. 22 Sinasamba ninyo ang hindi ninyo nalalaman. Alam namin ang aming sinasamba, sapagkat ang kaligtasan ay nagmula sa mga Judio. 23 Subalit darating ang oras, at narito na nga, na ang mga tunay na sumasamba ay sasambahin ang Ama sa espiritu at katotohanan, dahil ang Ama ay naghahanap ng mga ganoong tao na sasamba sa kaniya. 24 Ang Diyos ay isang Espiritu, at ang mga taong sasamba sa kaniya ay dapat sumamba sa espiritu at katotohanan.” 25 At sinabi ng babae sa kaniya, “Alam ko na ang Mesias ay darating (ang tinatawag na Cristo). Kapag dumating siya, ihahayag niya ang lahat ng bagay sa amin.” 26 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ako, na nagsasalita sa iyo, ay siya nga.”
40 Nang dumating ang mga Samaritano sa kaniya, nagsumamo sa kaniya na manatili sa kanila, at siya ay nanatili doon ng dalawang araw. 41 At marami pa ang nananampalataya dahil sa kaniyang salita. 42 Sinasabi nila sa babae, “Kami ay naniwala, hindi lamang dahil sa iyong mga salita, sapagkat napakinggan namin siya sa aming sarili, at alam namin na tunay ngang siya ang tagapagligtas ng mundo.”

Kung tayo ay naniniwala kay Hesus bilang ang Kristo, tayong lahat ay magiging isa. (Juan 17:21)

Juan 17:21 upang lahat sila ay maging isa, na gaya mo, Ama, ay nasa akin, at ako ay nasa iyo. Ipinapanalangin ko na sila rin ay magig isa sa atin upang ang mundo ay maniwala na isinugo mo ako.

Sa pamamagitan ng paniniwala kay Hesus bilang ang Kristo, tayong lahat ay iisa. ( Gawa 2:43-47 )

Gawa 2:43 Dumating ang takot sa bawat kaluluwa, at maraming mga kamangha- manghang bagay at mga tanda ang nagawa ng mga apostol. 44 Ang lahat ng nanampalataya ay nagsama-sama at ibinahagi ang kanilang mga ari-arian, 45 at ipinagbili nila ang kanilang mga pag-aari at mga ari-arian at ipinamahagi sa lahat, ayon sa pangangailangan ng bawat-isa. 46 Nagpatuloy sila sa bawat araw na may iisang layunin sa templo, at nagpira-piraso sila ng tinapay sa kanilang mga tahanan, at namamahagi ng pagkain na may kagalakan at kapakumbabaan ng puso. 47 Nagpupuri sila sa Diyos at kinalugdan sila ng lahat ng mga tao. Dinagdag sa kanila ng Panginoon araw-araw ang mga naliligtas.

Kapag ang mga Hudyo at Gentil ay naniniwala kay Jesus bilang ang Kristo, sila ay nagiging isa. ( Efe 2:12-18 )

Efe 2:12 Sapagkat hiwalay kayo kay Cristo sa panahong iyon. Kayo ay mga dayuhan sa mga taga-Israel. Hindi kayo kilala sa tipan ng pangako. Wala kayong katiyakan tungkol sa hinaharap. Wala kayong Diyos sa mundo. 13 Ngunit ngayon kay Cristo Jesus, kayong minsan na napalayo mula sa Diyos ay nailapit sa Diyos sa pamamagitan ng dugo ni Cristo. 14 Sapagkat siya ang ating kapayapaan. Ginawa niyang isa ang dalawa. Sa pamamagitan ng kaniyang laman sinira niya ang pader ng pagkakabaha-bahagi na humati sa atin, ang poot. 15 Binuwag niya ang mga batas ng kautusan at mga alituntunin upang maaari siyang makalikha sa kaniyang sarili ng isang bagong tao. Gumawa siya ng kapayapaan. 16 Ginawa niya ito upang ipagkasundo ang dalawa sa iisang katawan sa Diyos sa pamamagitan ng krus. Sa krus inilagay niya sa kamatayan ang poot. 17 Dumating si Jesus at nagpahayag ng kapayapaan sa inyo na mga nasa malayo at kapayapaan sa mga nasa malapit. 18 Sapagkat sa pamamagitan ni Jesus mayroon tayo parehong daan sa iisang Espiritu patungo sa Ama.