Isa 43:2, Mt 28:20, Mc 16:18, Gawa 28:5

Sa Lumang Tipan, sina Shadrach, Mesach, at Abednego ay itinapon sa isang maapoy na hurno, ngunit pinrotektahan sila ng Diyos. ( Dan 3:23-29 )

Dan 3:23 Bumagsak ang tatlong kalalakihang ito sa naglalagablab na pugon nang nakagapos. 24 At namangha ang haring si Nebucadnezar at agad na tumayo. Tinanong niya ng kaniyang mga tagapayo, Hindi ba't tatlong kalalakihan na nakagapos ang ating itinapon sa apoy?” Sumagot sila sa hari, “totoo mahal na hari.” 25 Sumagot siya, “Ngunit apat na kalalakihan ang aking nakikita na hindi nakagapos at naglalakad sa gitna ng apoy at hindi sila nasaktan. Ang kinang ng ika-apat ay tulad ng anak ng mga diyos.” 26 Pagkatapos, lumapit si Nebucadnezar sa pintuan ng naglalagablab na pugon at tumatawag, “Shadrac, Meshac at Abednego, mga lingkod ng Kataas-taasang Diyos, lumabas kayo! Halikayo rito” Pagkatapos, lumabas mula sa apoy sila Shadrac, Meshac at Abednego. 27 Nakita ang mga kalalakihang ito ng mga gobernador ng lalawigan, mga gobernador ng rehiyon at iba pang mga gobernador at nang mga konsehal ng mga hari na sama-samang nagtitipon. Hindi nasaktan ng apoy ang kanilang mga katawan, hindi natupok ang buhok sa kanilang mga ulo, hindi nasira ang kanilang mga balabal at hindi sila nag-amoy sunog. 28 Sinabi ni Nebucadnezar, “Purihin natin ang Diyos nina Shadrac, Meshac at Abednego na nagpadala ng kaniyang mensahero at nagbigay ng kaniyang mensahe sa kaniyang mga lingkod. Nagtiwala sila sa kaniya nang isinantabi nila ang aking utos at isinuko ang kanilang mga katawan kaysa sumamba o magpatirapa sa sinumang diyos maliban sa kanilang Diyos. 29 Kaya gagawa ako ng isang kautusan na sinumang tao, bansa o wika ang magsalita ng anumang laban sa Diyos nina Shadrac, Meshac at Abednego ay pagpipira-pirasuhin at gagawing tambakan ng basura ang kanilang mga tahanan sapagkat walang ibang diyos ang makakapagligtas tulad nito.

Sinabi ng Diyos na poprotektahan Niya ang mga tao ng Israel mula sa tubig at apoy. ( Isa 43:2 )

Isa 43:2 Kapag ikaw ay dumaraan sa mga tubigan, ako ay kasama mo; at sa mga ilog, hindi ka malulunod. Kapag ikaw ay lumalakad sa apoy, hindi ka masusunog, ni sa apoy ay hindi ka masasaktan.

Para sa atin na naniniwala kay Hesus bilang ang Kristo, si Hesus ay laging kasama natin at pinoprotektahan tayo. (Mt 28:20, Marcos 16:18, Gawa 28:5)

Mt 28:20 Turuan sila na sumunod sa lahat ng mga iniutos ko sa inyo. At pakinggan ninyo, Ako ay laging nasa inyo, maging sa katapusan ng mundo.”

Marcos 16:18 Pupulot sila ng mga ahas, at kung iinom sila ng anumang nakamamatay ay hindi sila masasaktan nito. Magpapatong sila ng kamay sa mga may sakit at gagaling sila.”

Gawa 28:5 Ngunit ipinagpag niya ang ahas sa apoy at hindi siya nasaktan.