Pahayag 11:15, Pahayag 13:5, Pahayag 17:14, Pahayag 19:19-20, Pahayag 22:5
Sa Lumang Tipan, nakita ni Daniel sa isang pangitain na si Kristo, ang sungay ng Diyos, kasama ng mga banal, ay tinalo ang mga kaaway, at naghari magpakailanman kasama ng mga tao ng Diyos sa mundo. ( Dan 7:21-27 )
Dan 7:21 Habang nakatingin ako, nagtaguyod ng digmaan ang sungay na ito laban sa mga taong banal at tinatalo ang mga ito 22 hanggang dumating ang Sinaunang mga Araw at ibinigay ang katarungan sa mga taong banal ng Kataas-taasan. At dumating ang panahon na tinanggap ng mga taong banal ang kaharian. 23 Ito ang sinabi ng taong iyon, 'Ngunit para sa ikaapat na hayop, magiging ikaapat na kaharian ito sa daigdig na magiging kakaiba mula sa iba pang mga kaharian. Lalamunin, aapakan at dudurugin nito nang pira-piraso ang buong daigdig. 24 Ngunit para sa sampung sungay, mula sa kahariang ito manggagaling ang sampung hari at isa pa ang lilitaw pagkatapos nila. Magiging kakaiba siya mula sa mga nauna. At masasakop niya ang tatlong hari. 25 Magsasabi siya ng mga salita laban sa Kataas-taasan at aapihin niya ang mga taong banal ng Kataas-taasang Diyos. Susubukan niyang palitan ang mga pagdiriwang at ang kautusan. Maibibigay ang mga bagay na ito sa kaniyang mga kamay sa isang taon, dalawang taon at kalahating taon. 26 Ngunit magpupulong ang hukuman at kukunin ang kaniyang makaharing kapangyarihan upang tupukin at wasakin sa huli. 27 Maibibigay sa mga taong kabilang sa mga banal na tao ng Kataas-taasan ang kaharian, at ang kapangyarihan, ang mga kadakilaan ng mga kaharian sa ibaba ng buong kalangitan. Walang hanggang kaharian ang kaniyang kaharian, paglilingkuran at susundin siya ng lahat ng iba pang mga kaharian.
Ang Kordero ng Diyos, si Jesu-Kristo, ay lalaban at magtatagumpay sa kaaway kasama ng mga banal. At si Kristo ang mamamahala sa mundo magpakailanman kasama ng mga banal. (Pahayag 17:14, Pahayag 19:19-20, Pahayag 11:15, Pahayag 22:5)
Pahayag 17:14 Makikipag-digma sila laban sa Kordero. Pero lulupigin sila ng Kordero dahil siya ay Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari — at kasama niya ang mga tinawag, ang mga pinili, ang mga matapat.”
Pahayag 19:19 Nakita ko ang halimaw at ang mga hari ng mundo kasama ang kanilang mga hukbo. Humahanay sila para makipagdigmaan sa kaniya na nakasakay sa kabayo kasama ng kaniyang hukbo. 20 Nabihag ang halimaw at kasama niya ang bulaang propeta na gumawa ng mga tanda sa kaniyang presensya. Gamit ang mga tandang ito nilinlang niya ang mga tumanggap ng tanda ng halimaw at silang sumamba sa kaniyang imahe. Ang dalawa sa kanila ay inihagis nang buhay sa dagat-dagatang apoy ng nasusunog na asupre.
Pahayag 11:15 Pagkatapos pinatunog ng ika-pitong anghel ang kaniyang trumpeta, at malalakas na tinig ang nagsalita sa langit at sinabing, “Ang kaharian ng mundo ay magiging kaharian na ng ating Panginoon at ng kaniyang Cristo. Siya ay maghahari magpakailan pa man.”
Pahayag 22:5 Wala nang magiging gabi, hindi na sila mangangailangan ng liwanag ng ilawan o sikat ng araw dahil ang Panginoong Diyos ang magliliwanag sa kanila. Maghahari sila magpakailan pa man.