Fil 2:16, 1 Tes 2:19-20, 2 Tim 4:1-2,5,7-8
Sa Lumang Tipan, sinabi ng Diyos na yaong nagbabalik sa marami sa katuwiran ay magniningning tulad ng mga bituin sa langit sa kawalang-hanggan. ( Dan 12:3 )
Dan 12:3 Ang mga marurunong ay magliliwanag tulad ng liwanag ng kalangitan sa kaitaasan at ang mga nakapagpanumbalik ng marami sa katuwiran ay tulad ng mga bituin magpakailanman.
Ipinagmamalaki natin ang mga nakarinig ng ebanghelyo sa pamamagitan natin at naligtas. ( Fil 2:16, 1 Tesalonica 2:19-20 )
Fil 2:16 Ipahayag ninyo ang salita ng buhay nang sa gayon ay may dahilan ako upang magluwalhati sa araw ni Cristo. Doon ko malalaman na hindi ako tumatakbo ng walang kabuluhan o gumagawa ng walang kabuluhan.
1 Tesalonica 2:19 Sapagkat ano ba ang aming inaasahan sa hinaharap, o kagalakan, o korona ng pagmamalaki sa harapan ng ating Panginoong Jesus sa kaniyang pagdating? Hindi ba't kayo at ang iba? 20 Sapagkat kayo ang aming kaluwalhatian at kagalakan.
Samakatuwid, sa kapanahunan at sa labas ng panahon, dapat nating ipahayag na si Jesus ang Kristo. (2 Timoteo 4:1-2,5,7-8)
2 Timoteo 4:1 Ibinibigay ko ang taimtim na kautusang ito sa harap ng Diyos at ni Cristo Jesus, na siyang hahatol sa mga buhay at sa mga patay, at dahil sa kaniyang pagpapakita at sa kaniyang kaharian. 2 Ipangaral mo ang Salita. Maging handa kung ito ay napapanahon at kung hindi napapanahon. Pagwikaan, pagsalitaan, at pangaralan mo sila ng may buong pagtitiyaga at pagtuturo.
5 Ngunit ikaw, maging mahinahon ka sa lahat ng bagay, pagtiisan mo ang paghihirap, gawin mo ang gawain ng isang ebanghelista, tuparin mo ang iyong paglilingkod.
7 Nakipaglaban ako ng mabuti sa paligsahan, natapos ko ang aking takbuhin, napanatili ko ang pananampalataya. 8 Ang korona ng katuwiran ay nakalaan na para sa akin, na ibibigay sa akin ng Panginoon, ang matuwid na hukom, sa araw na iyon. At hindi lamang sa akin ngunit sa lahat din ng umiibig sa kaniyang pagpapakita.