Deut 5:2-3, Deut 29:14-15, Jn 1:14, Jn 12:45, Jn 14:6,9

Sa Lumang Tipan, nakipagbuno ang Diyos kay Jacob at nakilala si Jacob. (Hosea 12:4-5)

Hosea 12:4 Nakipagbuno siya sa Anghel at nanalo. Umiyak siya at humingi ng awa. Nakatagpo niya ang Diyos sa Bethel; at doon nakipag-usap sa kaniya ang Diyos. 5 Si Yahweh ito, ang Diyos ng mga hukbo; “Yahweh” ang kaniyang pangalan na tatawagan.

Ang tipan na ginawa ng Diyos sa mga Israelita sa Lumang Tipan ay ang parehong tipan na ginawa niya sa atin. ( Deut. 5:2 , Deut. 29:14-15 )

Deut. 5:2 Gumawa si Yahweh na ating Diyos ng isang tipan sa atin sa Horeb.

Deut. 29:14 At hindi ko lamang ginagawa para inyo ang tipang ito at itong panunumpa, 15 —kasama ng lahat ng nakatayo ngayon na narito kasama natin sa harapan ni Yahweh na ating Diyos, pero pati narin sa mga kasama natin na wala rito ngayon.

Si Jesus, ang Kristo, ay ang Anak ng Diyos, puspos ng kaluwalhatian ng Diyos. (Juan 1:14)

Juan 1:14 Ngayon ang Salita ay naging laman at namuhay na kasama namin. Nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatiang katulad ng nasa nag-iisang natatanging katauhan na naparito mula sa Ama, punong-puno ng biyaya at katotohanan.

Inihayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa pamamagitan ni Hesus, ang Kristo. (Juan 12:45, Juan 14:6,9)

Juan 12:45 At ang nakakakita sa akin ay nakakakita sa kaniya na nagsugo sa akin.

Juan 14:6 Sabi ni Jesus sa kaniya, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay; walang sinuman ang makararating sa Ama maliban sa pamamagitan ko.
9 Ang sabi ni Jesus sa kaniya, “Felipe, hindi ba matagal na akong kasama ninyo, at hindi mo pa rin ako nakikilala? Kung sinuman ang nakakita sa akin, nakakita sa Ama; paano mo nasasabi, 'Ipakita sa amin ang Ama'?