Mga Gawa 2:21-22,36, Rom 10:9-13, 1 Cor 1:2

Sa Lumang Tipan, sinabi ng Diyos na ang mga tumatawag sa Kanyang pangalan ay maliligtas. ( Joel 2:32 )

Joel 2:32 Mangyayari na ang lahat ng tatawag sa pangalan ni Yahweh ay maliligtas. Sapagkat may mga makatatakas sa Bundok ng Zion at sa Jerusalem, gaya ng sinabi ni Yahweh, at sa mga makaliligtas, ang mga tinawag ni Yahweh.

Ang pagtawag sa pangalan ng Panginoon na binanggit sa Lumang Tipan ay paniniwala kay Hesus bilang Panginoon at Kristo. Ang sinumang naniniwala kay Hesus bilang Panginoon at Kristo ay maliligtas. (Mga Gawa 2:21-22, Roma 10:9-13, 1 Corinto 1:2)

Mga Gawa 2:21 Iyon ay ang pagkakaligtas ng bawat isa na tatawag sa pangalan ng Panginoon.' 22 Mga taga-Israel, pakinggan ninyo ang mga salitang ito: Si Jesus ng Nazaret, ang lalaking pinatunayan ng Diyos sa inyo sa pamamagitan ng mga makapangyarihang gawa at mga kamangha- manghang bagay at mga palatandaang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya, sa inyong kalagitnaan, katulad ng inyong nalalaman-

Roma 10:9 Sapagkat kung sa iyong bibig, kinikilala mo si Jesus bilang Panginoon, at nananampalataya ka sa iyong puso na binuhay siya ng Diyos mula sa mga patay, maliligtas ka. 10 Sapagkat sa puso nananampalataya ang tao sa katuwiran, at sa bibig kumikilala siya para sa kaligtasan. 11 Sapagkat sinasabi ng kasulatan, “Ang sinumang nananampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya.” 12 Sapagkat walang pagkakaiba ang Judio at Griyego. Dahil iisang Panginoon ang Panginoon ng lahat, at mayaman siya sa lahat ng mga tumatawag sa kaniya. 13 Sapagkat ang lahat na tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.

1 Corinto 1:2 sa iglesia ng Diyos sa Corinto, na mga naihandog kay Cristo Jesus, silang tinawag na maging mga taong banal. Sumusulat din kami sa lahat nang dako sa mga tumatawag sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang kanilang Panginoon at sa atin.