Isa 40:3, Mal 4:5-6, Mt 3:1-3, Mt 11:13-14

Sinabi ng isang anghel na kapag ipinanganak si Juan Bautista, siya ang magiging tagapaghanda ng daan para kay Kristo. (Lucas 1:17)

Lucas 1:17 Mauuna siya sa Panginoon, taglay ang espiritu at kapangyarihan ni Elias. Gagawin niya ito upang mapanumbalik ang puso ng mga ama sa mga anak, upang ang mga hindi sumusunod ay mamuhay sa karunungan ng mga matuwid. Gagawin niya ito upang ihanda para sa Panginoon, ang mga taong inihanda na para sa kaniya.”

Ipinropesiya ng Lumang Tipan na darating ang isang tulad ng propetang si Elias, na maghahanda ng daan para kay Kristo. ( Isa 40:3, Mal 4:5-6 )

Isa 40:3 May isang tinig na sumisigaw, “ihanda ang daan ni Yahweh sa ilang; sa Araba, lumikha ng tuwid na daanan para sa ating Diyos.”

Mal 4:5 Tingnan ninyo, isusugo ko sa inyo si Elias, na propeta bago dumating ang dakila at katakut-takot na araw ni Yahweh. 6 At ipapanumbalik niya ang puso ng mga ama sa mga anak, at ang puso ng mga anak sa kanilang mga ama; upang hindi ako darating at lusubin ang lupain nang may ganap na pagkawasak.”

Si Juan Bautista ang taong maghahanda ng daan para kay Kristo gaya ng ipinropesiya sa Lumang Tipan. ( Mat 3:1-3, Mat 11:13-14 )

Mat 3:1 Sa mga araw na iyon ay dumating si Juan na Tagapagbautismo na nangangaral sa ilang ng Judea at nagsasabi, 2 “Magsisi kayo, sapagkat malapit na ang kaharian ng langit.” 3 Sapagkat siya ang binanggit ni propeta Isaias na nagsasabi, “Isang tinig ang sumisigaw mula sa ilang, 'Ihanda ang daan ng Panginoon, gawing matuwid ang kaniyang landas.'”

Mat 11:13 Sapagkat lahat ng mga propeta at ang kautusan ay patuloy na nagpapahayag hanggang kay Juan. 14 At kung nakahanda kayong tanggapin ito, ito ay si Elias na paparating.