Mic 4:4, Mt 11:28, Jn 1:48-50, Jn 14:27, Rom 5:1, 2 Cor 5:18-19
Sa Lumang Tipan, sinabi ng Diyos na aanyayahan Niya tayo sa landas ng kapayapaan. (Zac 3:10, Mic 4:4)
Zac 3:10 Sa araw na iyon, ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo, 'aanyayahan ng bawat tao ang kaniyang kapwa upang mamahinga sa ilalim ng kaniyang puno ng ubas at ilalim ng kaniyang puno ng igos.”'
Mic 4:4 Sa halip, uupo ang bawat tao sa ilalim ng kaniyang tanim na ubas at sa ilalim ng kaniyang puno ng igos. Walang sinuman ang mananakot sa kanila, sapagkat nagsalita si Yahweh, ang pinuno ng mga hukbo.
Si Hesus ay nagbibigay sa atin ng tunay na kapahingahan. ( Mat 11:28 )
Mat 11:28 Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang nabibigatan at bibigyan ko kayo ng kapahingahan.
Iniisip ni Natanael ang pagdating ni Kristo sa ilalim ng puno ng igos. Alam ito ni Jesus at tinawag niya si Natanael. Ipinagtapat ni Natanael na si Jesus ang Anak ng Diyos at ang Hari ng Israel. (Juan 1:48-50)
Juan 1:48 Sinabi sa kaniya ni Nataniel, “Papaano mo ako nakikilala?” Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Bago ka tawagin ni Felipe, nang nasa ilalim ka ng puno ng igos, nakita na kita.” 49 Sumagot si Nathanael, “Rabi, ikaw ang Anak ng Diyos! Ikaw ang Hari ng Israel!” 50 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Dahil ba sa sinabi ko sa iyo, 'Nakita kita sa ilalim ng puno ng igos', naniniwala ka na? Makakakita ka ng mga bagay na mas higit pa kaysa dito.”
Si Jesus, ang Kristo, ay nagbigay sa atin ng tunay na kapayapaan. (Juan 14:27)
Juan 14:27 Kapayapaan ang iiwan ko sa inyo; ibinibigay ko ang aking kapayapaan sa inyo. Hindi ko ito ibinibigay katulad ng pagbibigay ng mundo. Huwag hayaang mabalisa ang inyong puso, at huwag ito hayaang matakot.
Nakipagkasundo tayo sa Diyos sa pamamagitan ng paniniwalang si Jesus ang Kristo, at nagagawa nating ipagkasundo ang mga tao sa Diyos. ( Roma 5:1, 2 Corinto 5:18-19 )
Roma 5:1 Yamang napawalang-sala tayo sa pamamagitan ng pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
2 Corinto 5:18 Ang lahat ng mga bagay na ito ay nagmula sa Diyos. Nakipagkasundo siya sa atin dahil kay Cristo, at binigyan niya tayo ng ministeryo sa pagkakasundo. 19 Ang ibig sabihin, dahil kay Cristo, ipinagkakasundo ng Diyos ang mundo sa kaniya, at hindi binilang ang kanilang mga pagkakasala laban sa kanila. Ipinagkakatiwala niya sa atin ang mensahe ng pakikipagkasundo.