Mt 21:4-9, Mc 11:7-10, Jn 12:14-16
Sa Lumang Tipan, ang propetang si Zacarias ay nagpropesiya na ang darating na Hari, si Kristo, ay papasok sa Jerusalem na nakasakay sa isang bisiro. (Zac 9:9)
Zac 9:9 Sumigaw ka nang may labis na kagalakan, anak na babae ng Zion! Sumigaw ka nang may kasiyahan, anak na babae ng Jerusalem! Masdan ninyo! Parating sa inyo ang inyong hari nang may katuwiran at ililigtas kayo. Mapagpakumbaba at sasakay siya sa isang asno, sa anak ng isang asno.
Pumasok si Jesus sa Jerusalem na nakasakay sa isang bisiro gaya ng ipinropesiya ng propetang si Zacarias sa Lumang Tipan. Sa madaling salita, si Jesus ang Hari ng Israel, ang Kristo. (Mateo 21:4-9, Marcos 11:7-10, Juan 12:14-16)
Mateo 21:4 Ngayon nangyari nga ito upang maganap kung ano ang sinabi sa pamamagitan ng propeta. Sinabi niya, 5 “Sabihin sa anak na babae ng Sion, 'Tingnan mo, ang inyong Hari ay darating sa inyo, mapagpakumbaba at nakasakay sa asno at sa batang asno, ang anak ng asno. 6 At ang mga alagad ay nagpunta at ginawa kung ano ang ibinilin sa kanila ni Jesus. 7 Dinala nila ang asno at ang batang asno, at inilagay nila ang kanilang mga damit sa kanila, at umupo roon si Jesus. 8 Karamihan sa mga tao ay naglatag ng kanilang mga damit sa daan, ang iba ay pumutol ng mga sanga ng mga kahoy at inilatag sa daan. 9 Ang mga taong nauna kay Jesus at ang mga sumunod sa kaniya ay sumisigaw na nagsasabi, “Hosana sa anak ni David! Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon. Hosana sa kataas-taasan!”
Marcos 11:7 Dinala ng dalawang alagad ang bisiro kay Jesus at nilatagan nila ito ng kanilang kasuotan upang masakyan niya. 8 Maraming mga tao ang naglatag ng kanilang mga kasuotan sa daan at mayroon din namang naglatag ng mga sanga na pinutol nila mula sa bukirin. 9 Ang mga nauuna at sumusunod sa kaniya ay sumisigaw ng, “Hosanna! Pinagpala ang sinumang pumaparito sa pangalan ng Panginoon. 10 Pagpalain ang pagdating ng kaharian ng ating amang si David! Hosanna sa kataas-taasan!”
Juan 12:14 Nakita ni Jesus ang isang asno, at umupo siya rito, gaya ng nasusulat, 15 “Huwag kang matakot, mga anak na babae ng Sion, tingnan, ang inyong Hari ay dumarating, nakaupo sa isang batang asno.” 16 Hindi naunawaan ng kaniyang mga alagad ang mga ito sa simula, ngunit nang maluwalhati na si Jesus, naalala nila na ang mga bagay na ito ay nasulat patungkol sa kaniya at na ginawa nila sa kaniya ang mga bagay na ito ay.