Mt 26:14-15, Mt 27:9-10

Sa Lumang Tipan, ang propetang si Zacarias ay nagpropesiya na ang darating na Kristo ay ipagbibili sa halagang tatlumpung pirasong pilak. ( Zac 11:12-13 )

Zac 11:12 Sinabi ko sa kanila na “Kung sa palagay ninyong makakabuti sa inyo, bayaran ninyo ang aking sahod. Ngunit kung hindi, huwag ninyong gawin ito.”Kaya tinimbang nila ang aking sahod, tatlumpung piraso ng pilak. 13 Pagkatapos sinabi ni Yahweh sa akin, “ilagay mo ang pilak sa kabang-yaman, ang pinakamahusay na halaga na halagang ibinigay nila sa iyo!” Kaya kinuha ko ang tatlumpung piraso ng pilak at inilagay ko sa kabang-yaman sa tahanan ni Yahweh.

Ayon sa propesiya ng propetang si Zacarias sa Lumang Tipan, ipinagbili si Hesus sa halagang tatlumpung pirasong pilak. ( Mat 26:14-15, Mat 27:9-10 )

Mat 26:14 At ang isa sa Labingdalawa na nagngangalang Judas Iscariote ay pumunta sa mga punong pari 15 at sinabi, “Ano ang nais ninyong ibigay sa akin, upang siya'y ibigay ko sa inyo?” At nagtimbang sila ng tatlumpung piraso ng pilak para sa kaniya.

Mat 27:9 At ang sinabi ni Jeremias na propeta ay natupad, na nagsasabi, “Kinuha nila ang tatlumpung piraso ng pilak, ang halaga na inilaan sa kaniya ng mga tao ng Israel, 10 at ibinigay nila ito para sa Bukid ng Magpapalayok, ayon sa iniutos sa akin ng Panginoon.”