Mt 26:31,54-56, Mc 14:27,49-50, Jn 16:32, 2 Cor 5:21, Gal 3:13
Sa Lumang Tipan, sinabi ng Diyos na si Kristo ay ipagkakanulo ng mga pinakamalapit sa kanya at ang lahat ng mga alagad ni Kristo ay mangangalat. (Zac 13:7)
Zac 13:7 “Espada! Gisingin mo ang iyong sarili labanan mo ang aking pastol, ang lalaki na nakatayo ng malapit sa akin” —Ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo.” Patayin ang pastol, at ang kawan ay magkakawatak-watak! Sapagkat ipipihit ko ang aking kamay laban sa mga mahihina.
Inihula ni Jesus na ang lahat ng kaniyang mga alagad ay iiwan siya at tatakas. (Juan 16:32)
Juan 16:32 Tingnan ninyo, ang oras ay paparating, oo at dumating na nga, na kayo ay magkakahiwa-hiwalay, bawa't isa sa kaniyang sariling pag-aari, at iiwanan ninyo akong mag-isa. Subalit ako ay hindi nag-iisa dahil ang Ama ay kasama ko.
Tulad ng ipinropesiya tungkol kay Kristo sa Lumang Tipan, inaresto si Jesus at iniwan Siya ng lahat ng mga disipulo ni Jesus at tumakas. ( Mat 26:31,54-56, Marcos 14:27, 49-50 )
Mat 26:31 At sinabi ni Jesus sa kanila, “Lahat kayo ay aalis ngayong gabi nang dahil sa akin, sapagkat ito ay nasusulat, 'Hahampasin ko ang pastol ng tupa at ang mga tupa ng kawan ay maikakalat.'
54 Ngunit paano matutupad ang mga kasulatan, na dapat mangyari?” 55 Sa oras na iyon si Jesus ay nagsabi sa maraming tao, “Pumunta kayo rito na dala-dala ang mga espada at mga pamalo upang hulihin ako katulad ng isang tulisan? Araw-araw ay nakaupo ako sa templo na nagtuturo at hindi ninyo ako hinuli. 56 Ngunit lahat ng ito ay kailangang mangyari upang ang mga sinusulat ng mga propeta ay matupad.” At iniwanan siya ng lahat ng mga alagad at sila’y tumakas.
Marcos 14:27 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Iiwanan ninyo akong lahat, sapagkat ito ang nasusulat, 'Papatayin ko ang pastol at magsisikalat ang mga tupa.'
49 Nang araw-araw ninyo akong kasama at nagtuturo sa templo, hindi ninyo ako dinakip. Ngunit nangyari ang mga ito upang matupad ang mga kasulatan. 50 Iniwanan si Jesus ng lahat ng kasama niya at nagsitakas sila.
Namatay si Hesus para sa ating mga kasalanan at isinumpa para iligtas tayo. (2 Corinto 5:21, Gal 3:13)
2 Corinto 5:21 Si Jesus ay ginawa niyang handog para sa ating mga kasalanan. Siya na hindi kailan man nagkaroon ng kasalanan. Ginawa niya ito upang tayo ay maging katuwiran ng Diyos sa kaniya.
Gal 3:13 Tinubos tayo ni Cristo mula sa sumpa ng kautusan noong siya ay naging sumpa para sa atin. Sapagkat nasusulat, “Sinumpa ang sinumang ibinitin sa isang puno.”