Jn 5:39, Jn 6:40, Jn 17:3

Sinabi ni Hesus na mapalad ang nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito. (Lucas 11:28)

Lucas 11:28 Ngunit sinabi niya, “Higit pa na pinagpala ang mga nakarinig ng salita ng Diyos at iningatan ito.”

Ang Salita ng Diyos ay ang Bibliya. At ang Bibliya ay nagpapatotoo tungkol kay Kristo. (Juan 5:39)

Juan 5:39 Sinaliksik ninyo ang mga kasulatan sapagkat akala ninyo na sa mga ito ay mayroon na kayong buhay na walang hanggan, at ang mga kasulatan ding ito ay nagpatotoo tungkol sa akin,

Ang pakikinig at pagsunod sa salita ng Diyos ay ang paniniwala sa Isa na sinugo ng Diyos, si Jesu-Kristo. ( Jn 6:40, Jn 17:3 )

Jn 6:40 Dahil ito ang kalooban ng aking Ama, na bawat isa na nakakakita sa Anak at sumampalataya sa kaniya ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan at bubuhayin ko siya sa huling araw.

Jn 17:3 Ito ang buhay na walang hanggan: na ikaw ay dapat nilang makilala, ang nag-iisang tunay na Diyos, at ang isinugo mong si Jesu-Cristo.