Lucas 17:26 Katulad ng nangyari sa panahon ni Noe, gayon din ang mangyayari sa mga araw ng Anak ng Tao. 27 Nagsisikain sila, nagsisiinom, nagsisipag-asawa at ibinibigay sila upang mag-asawa, hanggang sa araw na pumasok sa arko si Noe—at dumating ang baha at pinatay silang lahat. 28 Gayon din naman, katulad ng nangyari sa panahon ni Lot, sila ay nagsisikain, nagsisiinom, nagsisibili, nagsisitinda, nagsisipagtanim at sila ay nagsisipatayo ng gusali. 29 Ngunit nang araw na lumabas mula sa Sodoma si Lot, umulan ng apoy at asupre mula sa langit, at pinuksa silang lahat. 30 Ganoon din naman ang mangyayari sa araw na maihayag ang Anak ng Tao.
Lucas · Mensahe 163
163. Karamihan sa mga tao ay hindi alam kung gaano kalaki ang kailangan ni Kristo sa kanila hanggang sa sila ay mamatay.
Lucas 17:26-30