Aw 118:22-23, Gawa 4:11-12, Eph 2:20, Isa 8:14, Dan 2:34-35
Sa Lumang Tipan, ipinropesiya na ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ay magiging batong panulok ng Israel. ( Aw 118:22-23 )
Aw 118:22 Ang bato na tinanggihan ng mga nagtayo ay naging panulukang bato. 23 Ito ay gawa ni Yahweh; kagila-gilalas ito sa harap ng ating mga mata.
Tinalikuran ng mga Hudyo si Hesus, ngunit si Hesus ang Kristo, ang batong panulok na nagliligtas sa Israel at sa buong mundo. (Lucas 20:17, Gawa 4:11-12, Efe 2:20)
Lucas 20:17 Ngunit tumingin si Jesus sa kanila at sinabi, “Ano ang kahulugan ng kasulatang ito? 'Ang bato na tinanggihan ng mga gumagawa ng gusali, ay ginawang batong panuluk'?
Gawa 4:11 Si Jesu-Cristo ang bato na itinakwil ninyo, bilang mga tagapagtayo, ngunit siya pa rin ang ginawang pangunahing batong panulukan. 12 Walang kaligtasan sa sinumang tao: sapagkat wala ng iba pang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, kung saan tayo maliligtas.”
Efe 2:20 Itinayo kayo sa pundasyon ng mga apostol at mga propeta. Si Cristo Jesus ang batong panulukan.
Ang mga hindi naniniwala kay Hesus bilang ang Kristo ay mamamatay. (Lucas 20:18, Isa 8:14, Dan 21:42-44)
Lucas 20:18 Ang bawat isa na babagsak sa batong iyon ay magkakadurog-durog. Ngunit kung sinuman ang mabagsakan ng batong ito ay madudurog.”
Isa 8:14 Siya ay magiging santuaryo; pero siya ay tulad ng isang bato na tatama sa kanila, at isang malaking bato na makakapagpatumba sa dalawang bahay ng Israel. At siya ay magiging patibong at silo sa mamamayan ng Jersusalem.
Dan 2:34 Tumingala ka, at natibag ang isang bato, bagaman hindi sa pamamagitan ng mga kamay ng tao, at tumama ito sa bakal at putik na paa ng imahen at nabasag nila ito. 35 At magkakasabay na nabasag ang bakal, putik, tanso, pilak at ginto nang pira-piraso at naging parang dayami sa giikan sa tag-araw. Tinangay sila ng hangin palayo at walang naiwang bakas sa kanila. Ngunit ang batong tumama sa imahen ay naging malaking bundok at pinuno nito ang buong mundo.