Lucas 22:66 Kinaumagahan, nagtipun-tipon ang mga nakatatanda, ang mga punong pari at mga eskriba. Siya ay dinala nila sa Konseho, 67 sinasabi “Kung ikaw ang Cristo, sabihin mo sa amin.” Ngunit sinabi niya sa kanila, “Kung sabihin ko sa inyo, hindi kayo maniniwala, 68 at kung tanungin ko kayo, hindi kayo sasagot. 69 Ngunit mula ngayon, ang Anak ng Tao ay mauupo sa kanang kamay ng kapangyarihan ng Diyos.” 70 Sinabi nilang lahat, “Kung gayon ikaw ang Anak ng Diyos?” At sinabi ni Jesus sa kanila, “Sinabi ninyo na ako nga.” 71 Sinabi nila, “Bakit pa natin kailangan ng isang saksi? Sapagkat tayo na mismo ang nakarinig mula sa kaniyang bibig.”