Gen 3:15, Heb 9:7-8, Heb 10:19-20, Heb 10:14
Sa pamamagitan ng pagkamatay sa krus, natapos ni Jesus ang gawain ni Kristo na ipinropesiya sa Lumang Tipan. ( Gen 3:15 )
Gen 3:15 Maglalagay ako ng poot sa pagitan mo at ng babae, at sa pagitan ng iyong binhi at ng kanyang binhi. Dudurugin niya ang iyong ulo, at tutuklawin mo ang kanyang sakong.”
Nang mamatay si Hesus, napunit ang tabing sa santuwaryo. (Lucas 23:44-46)
Lucas 23:44 Nang pasapit na ang Ika-anim na oras, nagdilim sa buong lupain hanggang sa ika-siyam na oras 45 habang nagdidilim ang araw. Pagkatapos, nahati sa gitna ang kurtina ng templo. 46 At si Jesus, na may malakas na tinig ay nagsabi, “Ama, ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu sa iyong mga kamay.” Pagkasabi niya nito, siya ay namatay.
Sa Lumang Tipan ang tabing ng santuwaryo ay laging nakasara. ( Heb 9:7-8 )
Heb 9:7 Ngunit ang pinaka-punong pari ay pumapasok na nag-iisa sa pangalawang silid minsan sa isang taon, at may dalang maihahandog na dugo para sa kaniyang sarili at para sa hindi sinasadyang mga paglabag ng mga tao. 8 Ipinapakita ng Banal na Espiritu na ang daan patungo sa kabanal-banalang lugar ay hindi pa ipinapahayag habang nananatili pang nakatayo ang unang tabernakulo.
Gayunpaman, pinunit ni Hesus ang Kanyang katawan sa krus para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan at binuksan ang daan upang makilala ang Diyos. ( Heb 10:14,19-20 )
Heb 10:14 Dahil sa pamamagitan ng isang handog ay kaniyang ginawang ganap magpakailanman ang mga taong inihandog sa Diyos.
19 Kaya naman, mga kapatid, may pananalig tayong makakapasok sa kabanal-banalang lugar sa pamamagitan ng dugo ni Jesus. 20 Iyon ang paraan na kaniyang binuksan para sa atin sa pamamagitan ng kaniyang katawan, isang bago at buhay na daan sa pamamagitan ng tabing.