1 Jn 5:20, Jn 20:28, Tito 2:13, Aw 45:6, Heb 1:8, Jn 10:30,33

Si Hesus ay Diyos. Naniniwala kami sa Banal na Trinidad na Diyos. Sumasampalataya kami sa Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu Santo. Si Hesus ang Diyos na Anak. (Juan 1:1)

Juan 1:1
Sa simula pa lamang ay ang Salita, at ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos.

Si Hesus ang Diyos na Anak. (1 Jn 5:20, Jn 20:28, Tito 2:13)

1 Jn 5:20 Pero alam natin na ang Anak ng Diyos ay dumating at binigyan tayo ng kaunawaan, na kilala natin siya na totoo, at tayo ay nasa kanya na siyang totoo- kahit na sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Siya ang totoong Diyos at buhay na walang hanggan.

Jn 20:28 Sumagot si Tomas at sinabi sa kaniya, “Aking Panginoon at aking Diyos.”

Tito 2:13 habang tayo ay nag-aabang sa pagtanggap ng ating pinagpalang pag-asa, ang kahayagan ng kaluwalhatian ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.

Sa Lumang Tipan, ang Anak ng Diyos ay tinatawag na Diyos. ( Aw 45:6 , Heb 1:8 )

Aw 45:6 Ang iyong trono, O Diyos, ay magpakailanpaman; ang setro ng katarungan ay setro ng iyong kaharian.

Heb 1:8 Ngunit tungkol sa Anak sinasabi niya, “Ang iyong trono, O Diyos, ay walang hanggan. Ang setro ng iyong kaharian ay setro ng katarungan.

Kinilala rin ng mga Hudyo ang Anak ng Diyos bilang Diyos. (Juan 10:30,33)

Juan 10:30 “Ako at ang Ama ay iisa.”
33 Sumagot ang mga Judio sa kaniya, “Hindi ka namin binabato dahil sa anumang mabuting gawain, kundi dahil sa paglapastangan, dahil ikaw na isang tao, ginagawa mong Diyos ang iyong sarili.”