Ezk 36:25-27, Jn 1:12, Gal 6:15, Tito 3:5, 1 Jn 5:1, Mc 16:16, Gawa 5:30-32, Gawa 2:38
Sinabi ni Hesus na ang mga ipinanganak lamang ng Espiritu Santo ang makakapasok sa kaharian ng Diyos. (Juan 3:3,5)
Juan 3:3 Sumagot si Jesus sa kanya, “Tunay nga, maliban kung isilang muli ang isang tao hindi niya makikita ang kaharian ng Diyos.”
5 Sumagot si Jesus, “Tunay nga, maliban kung ipinanganak ang isang tao sa tubig at sa Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos.
Sa Lumang Tipan, ipinropesiya na ipapadala ng Diyos sa atin ang Banal na Espiritu. ( Ezk 36:25-27 )
Ezk 36:25 Pagkatapos ay wiwisikan ko kayo ng dalisay na tubig upang maging dalisay kayo mula sa lahat ng inyong karumihan. At dadalisayin ko kayo mula sa lahat ng inyong mga diyus-diyosan. 26 Bibigyan ko kayo ng isang bagong puso at isang bagong espiritu sa mga kaloob-loobang bahagi ninyo, at aalisin ko ang pusong bato mula sa inyong laman. Sapagkat bibigyan ko kayo ng isang pusong laman. 27 Ilalagay ko ang aking Espiritu sa inyo at palalakarin ko kayo sa aking mga kautusan at inyong iingatan ang aking mga utos, upang magawa ninyo ang mga ito.
Ang Banal na Espiritu ay dumating sa mga naniniwala kay Hesus bilang ang Kristo. Tanging ang mga naniniwala kay Jesus bilang ang Kristo ay nagiging mga anak ng Diyos. (Gawa 5:30-32, Gawa 2:38, Jn 1:12, 1 Jn 5:1)
Gawa 5:30 Ang Diyos ng aming mga ama ang bumuhay kay Jesus, na inyong pinatay sa pamamagitan ng pagbitin sa kaniya sa puno. 31 Tinaas siya ng Diyos sa kaniyang kanang kamay upang maging prinsipe at tagapagligtas, upang magbigay ng pagsisisi sa Israel at kapatawaran sa mga kasalanan. 32 Mga saksi kami ng mga bagay na ito, at gayundin ang Banal na Espiritu, na ibinigay ng Diyos sa mga susunod sa kaniya.”
Gawa 2:38 At sinabi ni Pedro sa kanila, “Magsisi at magpabautismo, ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni Jesu-Cristo para sa kapatawaran ng inyong mga kasalanan, at inyong tatanggapin ang kaloob ng Banal na Espiritu.
Jn 1:12 Ngunit sa kasing-dami nang tumanggap sa kaniya, na naniwala sa kaniyang pangalan, sa kanila niya ipinagkaloob ang karapatang maging mga anak ng Diyos,
1 Jn 5:1 Kung sinuman ang naniniwala na si Jesus ay ang Cristo na ipinanganak sa Diyos. At kung sinuman ang nagmamahal sa kanya na nagmula sa Ama ay minamahal din ang kanyang mga anak.
Maaari lamang tayong ipanganak na muli sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, na ibinigay sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesus bilang ang Kristo, ni sa pamamagitan ng pagtutuli o ng di-pagtutuli o ng mga gawa ng katuwiran. (Gal 6:15, Tito 3:5)
Gal 6:15 Sapagkat hindi mahalaga ang pagtutuli o hindi pagtutuli. Sa halip, ang bagong nilalang ang mahalaga.
Tito 3:5 eto ay hindi sa pamamagitan na ating makatuwirang mga nagawa, kundi dahil sa kanyang habag kaya tayo ay naligtas. Niligtas nya tayo sa pamamagitan ng paghuhugas ng bagong kapanganakan at pagpapabago sa pamamagitan ng Banal na Espirito.