Jn 6:35, Jer 2:13, Isa 49:10, Isa 55:1-3, Isa 35:6, 1 Cor 10:4

Ang Diyos ang pinagmumulan ng tubig na buhay. (Jer 2:13)

Jer 2:13 Sapagkat nakagawa sa akin ang aking mga tao ng dalawang kasamaan. Pinabayaan nila ang mga bukal na nagbibigay-buhay sa paggawa ng mga balon para sa kanilang mga sarili, mga sirang balon na walang tubig!

Sa Lumang Tipan, ipinangako ng Diyos na aakayin tayo sa bukal ng tubig na buhay. ( Isa 49:10, Isa 55:1-3 )

Isa 49:10 Hindi sila magugutom o mauuhaw; maging ang init o ang araw ay hindi sila tatamaan, dahil siyang may awa sa kanila ay pangungunahan sila; gagabayan niya sila sa mga bukal ng tubig.

Isa 55:1 Lumapit kayo, ang bawat isang nauuhaw, magsiparito kayo sa tubig! At kayo na walang salapi, bumili kayo at kumain! Halikayo, bumili kayo ng alak at gatas na walang pera at walang bayad. 2 Bakit ninyo tinitimbang ang pilak na hindi naman tinapay? At gumagawa ng hindi naman nakasisiya? Makinig mabuti sa akin at kainin kung ano ang mabuti, at malugod kayo sa taba. 3 Ikiling ang inyong mga tainga at lumapit sa akin! Makinig, upang kayo ay mabuhay! Tiyak na gagawa ako ng walang hanggang tipan sa inyo, ang mga gawa ng katapatan sa tipan na ibinigay kay David.

Si Hesus ang pinagmumulan ng tubig na buhay na ipinangako ng Diyos. (Juan 4:13-14)

Juan 4:13 Sumagot si Jesus, “Ang bawat iinom ng kaunting tubig na ito ay muling mauuhaw, 14 ngunit ang sinumang uminom ng kaunting tubig na ibibigay ko sa kaniya ay hindi kailan man muling mauuhaw. Sa halip, ang tubig na ibibigay ko sa kaniya ay magiging bukal ng tubig na magdudulot sa kaniya ng buhay na walang hanggan.”

Sa Lumang Tipan, si Kristo ay nagtrabaho bilang pinagmumulan ng buhay na tubig. (1 Cor 10:4)

1 Cor 10:4 Lahat ay nakainom ng parehong espirituwal na inumin. Sapagkat sila ay nakainom mula sa parehong espirituwal na bato na sumunod sa kanila, at ang batong ito ay si Cristo.