Jn 10:30-33, Phil 2:6, Jn 19:7

Sinabi ni Jesus na dahil gumagawa ang Diyos Ama, gumagawa din Siya sa Sabbath. Inihayag ni Jesus na Siya ang Bugtong na Anak ng Diyos. (Jn 5:16-18, Jn 19:7)

Jn 5:16 Ngayon dahil sa mga bagay na ito, inusig ng mga Judio si Jesus sapagkat ginawa niya ang mga ito sa Araw ng Pamamahinga. 17 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang aking Ama ay gumagawa kahit ngayon, at ako rin ay gumagawa. 18 Dahil dito, hinangad lalo ng mga Judio na patayin siya sapagkat hindi lamang niya nilabag ang Araw ng Pamamahinga, ngunit tinawag din niya ang Diyos na kaniyang Ama, at ginagawang kapantay ang kaniyang sarili sa Diyos.

Jn 19:7 Sumagot ang mga Judio kay Pilato, “Mayroon kaming isang batas, at sa pamamagitan ng batas na iyon dapat siyang mamatay dahil ginawa niya ang kaniyang sarili na Anak ng Diyos.”

Kinilala ng mga Hudyo ang bugtong na Anak ng Diyos bilang Diyos. (Juan 10:30-33)

Juan 10:30 “Ako at ang Ama ay iisa.” 31 Pagkatapos ay kumuhang muli ng mga bato ang mga Judio upang batuhin siya. 32 Sinagot sila ni Jesus, “Ipinakita ko sa inyo ang maraming mabubuting gawain mula sa Ama. Alin sa mga gawaing ito ang dahilan na pagbabatuhin ninyo ako?” 33 Sumagot ang mga Judio sa kaniya, “Hindi ka namin binabato dahil sa anumang mabuting gawain, kundi dahil sa paglapastangan, dahil ikaw na isang tao, ginagawa mong Diyos ang iyong sarili.”

Si Hesus ay ang Anak ng Diyos na kapantay ng Diyos. (Fil 2:6)

Fil 2:6 Nabuhay siya sa anyo ng Diyos, ngunit hindi niya itinuring ang kaniyang pagkakapantay sa Diyos bilang isang bagay na dapat niyang panghawakan.