Dt 32:39, 1 Sam 2:6, 2 Hari 5:7, Lc 7:14, Lc 8:54-55, Jn 11:25-26

Ang Diyos lamang ang makapagliligtas at makapatay ng mga tao. (Deut 32:39, 1 Sam 2:6, 2 Hari 5:7)

Deut 32:39 Tingnan ninyo ngayon ako, kahit ako, ang Diyos, at walang nang diyos maliban sa akin; ako'y pumapatay, at ako'y bumubuhay; ako'y sumusugat, at ako'y nagpapagaling, at walang ni isa na makakapagligtas sa inyo mula sa aking lakas.

1 Sam 2:6 Pumapatay si Yahweh at bumubuhay. Siya ang nagbababa sa Sheol at nagtataas.

2 Hari 5:7 Nang mabasa ng hari ng Israel ang liham, pinunit niya ang damit niya at sinabing, “Diyos ba ako, para pumatay at magbigay ng buhay kaya nais ng lalaking ito na pagalingin ko ang isang tao sa kaniyang ketong? Mukhang naghahamon siya ng away.”

Binuhay ni Hesus ang sinumang gusto Niya. (Jn 5:21, Lc 7:14-15, Lc 8:54-55)

Jn 5:21 Sapagkat tulad ng Ama na binabangon ang mga patay at binibigyan sila ng buhay, gayun din naman ang Anak ay nagbibigay ng buhay kung kanino niya naisin.

Lucas 7:14 Pagkatapos lumapit siya at hinipo ang kinalalagyan ng bangkay, at ang mga nagdadala ay napatigil. Sinabi niya, “Binata, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka.” 15 Ang taong patay ay bumangon at nagsimulang magsalita. At ibinigay siya ni Jesus sa kaniyang ina.

Lucas 8:54 Ngunit hinawakan niya ang batang babae sa kaniyang mga kamay, tumawag, na nagsasabing, “Bata, tumayo ka.” 55 Ang espiritu ng bata ay bumalik, at siya ay agad na bumangon. Nag-utos si Jesus na bigyan siya ng makakain.

Ang mga naniniwala kay Jesus bilang ang Kristo ay nabubuhay din magpakailanman. (Juan 11:25-27)

Juan 11:25 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay; ang sumasampalataya sa akin, bagama't siya ay mamamatay, gayon ma'y mabubuhay siya; 26 at sinuman ang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi na mamatay. Naniniwala ka ba dito?” 27 Sinabi niya sa kaniya, “Oo Panginoon, naniniwala ako na ikaw ang Cristo, ang Anak ng Diyos na siyang paparito sa mundo.”

Ibig sabihin, si Jesus ang Anak ng Diyos na katulad ng Diyos, at si Jesus ang Kristo.