Jn 4:25-26, Marcos 14:61-62, Lucas 22:70, Jn 19:30

Naparito si Jesus sa mundong ito at ipinaalam na Siya ang Kristo. (Jn 4:25-26, Marcos 14:61-62, Lucas 22:70)

Jn 4:25 At sinabi ng babae sa kaniya, “Alam ko na ang Mesias ay darating (ang tinatawag na Cristo). Kapag dumating siya, ihahayag niya ang lahat ng bagay sa amin.” 26 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ako, na nagsasalita sa iyo, ay siya nga.”

Marcos 14:61 Ngunit tahimik siya at walang isinagot. Tinanong siyang muli ng pinakapunong pari at sinabi, “Ikaw ba ang Cristo, ang anak ng Pinagpala?” 62 Sinabi ni Jesus, “Ako nga. At makikita ninyo ang Anak ng Tao kapag nakaupo na siya sa bandang kanang kamay ng Kapangyarihan at darating na nasa ulap sa langit.”

Lucas 22:70 Sinabi nilang lahat, “Kung gayon ikaw ang Anak ng Diyos?” At sinabi ni Jesus sa kanila, “Sinabi ninyo na ako nga.”

At nagawa ni Hesus ang gawain ni Kristo sa krus. (Juan 19:30)

Juan 19:30 Nang matanggap ni Jesus ang maasim na alak, sinabi niya, “Naganap na.” Iniyuko niya ang kaniyang ulo at isinuko ang kaniyang espiritu.